Chapter 16 : Visitor

97 1 0
                                    

After two months,

'Sir, tumatawag po si Mr. Dee. Kelangan nya daw po kayong makausap.' Sabi sa akin ni Lance.

'Pwede pang ikaw nalang pumunta sa kanya? Madami akong kelangan tapusin dito. Hindi ako makakaalis ng opisina.' Sabi ko.

Grabe! Walang pahinga! Walang tulog! Walang kain! Dami kasing kelangan dito sa office.

Punta doon, punta dito, pirma don, pirma dito, meeting doon, meeting dito..

Kaliwa't kanan ang mga busy people. Magcecelebrate kasi ang company ng 50th Anniversary. Kaya ayun, busy kaming lahat.

Golden Anniversary! UN! Gaya nga ng company, mag-cecelebrate din kami ng ganyan ni Jessi. Hihihi.

Aun, speaking of Jessi my Love.

For the past two months, ang dami naming kilig moments together. 'Kilig moments' , So gay! So what? Haha.

Last last month, nagcelebrate kami ng aming monthsary sa Cebu tapos last month naman sa Ilocos. Ang sarap talaga sa feeling, kasama mo ung taong mahal mo.

Kapag hindi kami nagkikita, nagskaskype nalang kami. Minsan, syempre, sa relasyon, hindi nman maiiwasan ang mga tampuhan, buti nalang naayos naman namin lagi bago kami magsiuwian sa aming mga bahay. 

Naradamdaman ko, parang mas naging matibay ung pagsasama namin dahil sa nangyari noon. 

Grabe ung alaalang un! Minsan nga na naiisip ko lang un, naluluha na agad ako.

By the way, once a week pala, nagkikita kita ang barkada parang magbonding. Parang nung high school lang. Haha. Madalas kami mag-movie marathon tapos minsan nagkakainuman.

Eto, good news, may improvement na kina Shaun at Tiffany! Akalain mo un!

Meron pa, matutuwa kayo dito. 

Si Zach, aun, may nagugustuhan na! Unexpected! Pero un nga lang, hindi niya sinasabi. Natatakot ang loko!

Sina Paige and Dylan naman, ayun, di pala nila baby ung kasama nila nung birthday ko!

Halos magdramadrama pa ako kay Paige nun tungkol dun tapos tinawanan lang ako! Teka, hindi pala tawa, halakhak! Hindi lang siya, pati si Dylan!

Kamote yan! 

Nakakahiya! 

-FLASHBACK-

Nandito kami ngaun sa condo, kumpleto kami. You know, bonding moments.

Ung mga babae, nandun sa kusina, inaayos ung mga pagkain kami namang boys nandito sa sala, 'nagaayos'  din.

'Sino kayang unang ikakasal sa tin?' Sabi ni Shaun.

Nagkakaasaran kasi dito ngayon tungkol sa kasal kasal na yan. Mga nasa tamang edad na naman daw kasi.

'Anak nalang! Ayan si Dylan oh, may anak na sila ni Paige.' Sabi ko.

Lahat sila hindi nagsalita. Lahat natahimik. Lahat sila nga nga!

'Oh bakit? May nasabi ba akong mali?' Dagdag ko pa.

'Oh guys, anyare? Bakit sobrang tahimik niyo?'

Lahat kami nagulat dahil biglang nagsalita.

'Oh? Bakit?' Sabi ni Tiffany.

'Ah, ung boys kasi. Hindi ata alam na may anak na si Dylan at Paige.' Sacrastic kong pananalita.

Oh? Ano ba talaga kasing problema? Natahimik din pati ung mga girls.

Lahat sila nagkatinginan.

'Oh? What the?' Sabi ko sa kanila.

Hindi nila ako sinagot. Umupo nalang sila sa sofa.

Ayun, nagkwekwentuhan. Aba?! Inisnob ako? 

'Bestfriend, nagtatampo ako sayo.' Bigla akong singit sa usapan nila.

Naman! Imbis naman na tignan ko lang sila dito na nagtatawanan. 

Lahat sila natigil na naman. Lahat sila tumingin, tumingin ng diresto sa mga mata ko.

'Huh? Bakit naman?' Pagtatanong niya sa akin.

Wow ah! Inosente pa ang trip!

'Kasi po, hindi mo lang naman po sinabi sa akin na may anak ka na pala.' Pagkasarcastic kong sinabi.

'Huh?' 

Wow talaga. Wow! 

'May anak ka na tapos hindi mo man lang sinabi sa akin.' 

'What the heck?'

'Yeah. At wala pa ata kayong sabihin sa barkada. Ano Dylan?' 

'Blaize, umupo ka na muna. ' Sabi sa akin ni Shaun.

'Oo nga Pre. Nagiinit ulo mo e. Bonding moment natin to, dapat masaya db?' Dagdag pa ni Zach.

'Ano ba kayo, hindi mainit ulo ko. Ha-ha-ha. Hindi lang naman sinasabi sa akin ni Bestfriend na may anak na siya e. Ha-ha.' Kinuha ko ung beer sa table at ininum ng isang lagukan.

Croo croo. Silence.

Tinignan ako ni Paige. Tinignan naman niya ang barkada. Ayun, pabalik balik ung tingin niya sa amin.

Kumuha ulit ako ng beer at ininom.

'Babe, tama na. Baka malasing ka na naman.' Sabi sa akin ni Jessi habang pinipigilan ako uminom.

'Guys, tama na. Hahahaha! Baka malasing na tong si Blaize! HAHAHAH! ' Sabi ni Paige.

'HAHAHAHAHA!' Lahat sila nagtawanan!

'Sorry Blaize. Hahahaha! Hindi ko nasabi sa iyo. Hindi ko siya anak, hindi siya namin anak ni Dylan.  Hahahha! Anak siya ng kapatid ni Dylan. Hahahaha! ' Sabi ni Paige.

'Pre, nice acting! HAHAHHA!'  Sabi ni Shaun.

'Tinignan ko sila, lahat sila nakangiti. Ngiting aso!

-END OF FLASHBACK-

Ring ring ring

'Sir, you have a visitor.' Sabi ni Lance.

'Nag-paappointment ba siya?'

'Hndi po.' 

'Then, I'm busy,'

At sabay binaba ko na ung phone. Busy ako. Walang magulo.

Humarap ulit ako sa mga papeles na nasa harap ko. 

Nirereview ko ngayon ung mga proposals.

'Hey Mister Blaize Cruz! Napakaarte ah! Kelangan pa ng appointment para mameet ka? Arte mo!' 

------------------------------------------------

Short update muna :)

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon