Chapter 14 : Motionless

116 0 1
                                    

May naririnig akong boses ngayon ng dalawang babae.

'Kamusta si Blaize Jessica?'

'Okay naman siya Paige. Ayun, natutulog ulit.'

Ah, si Paige pala nandito din.

Gusto kong dumilat pero hindi ko magawa. Gusto kong tumayo, hindi ko marin magawa. Arrrgh! Bugbog pa rin ung buong katawan ko.

'Hayy, buti nga nakatulog ulit siya e. Kanina pa kasi siya dumadaing sa akin na sobrang sakit ng ulo niya, halos ikot siya ng ikot sa kama, naghahanap ng magandang pwesto. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Gusto ko siyang dalhin sa ospital pero ayaw niya. O-okay lang daw. Pero shet! D-hindi ko kayang makita si Blaize na nagkakaganun, halos ma-iyak na ako dahil nakikita ko siyang na-nahihirapan ng ganun. Maiyak iyak na nga ako sa kanya, nagmamakaawa para madala ko na siya sa hospital pero ayaw niyang pumayag.'  Narinig ko ang paghikbi ni Jessica.

Damn! Gusto kong tumayo, lumapit at yakapin siya ng sobrang higpit. Pero hindi ko maggawa, hindi ako makakilos dito! 

Hindi ko kayang mahiga lang dito at siya nagaalala sa akin. Damn!

Bhaag!

Isang lagabog. Shet! Ano bang nangyayari dito?! Bakit ngayon pa sa akin nangyari to ngaun?! 

Nakarinig ako ng mga tunog ng hakbang. 

'Jessica, tahan na. Wag kang magalala. Kaya ni Blaize yan. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nagkaganyan yan. Ssssh!'

Alam mo ung pakiramdam na wala kang magawa para sa taong mahal mo?

Sh*t! Ito un e! Sorry for the word, pero d ko talaga mapigilang hindi mapamura.

'Dylan!' Ah, nandito rin pala si Dylan. ' Pakiayos naman ung sofa tapos puntahan mo ako dito sa may kusina. Bilisan mo.' 

'Oo sige. Nandyan na.' Sagot ni Dylan kay Paige.

ARGGGGGH!

Mga ilang minuto ding naging tahimik. Walang nagsasalita. Kahit bulangan, wala. As in 0.

'Ito oh, uminom ka muna.' Sabi ni Dylan.

'Jessica, magpahinga ka na muna. Kami na muna bahala ni Dylan kay Blaize.'

'Hindi, okay lang. Kaya ko pa naman.' 

'Jessica, please, makinig ka na muna. Kung nagaalala ako kay Blaize, nagaalala din ako sayo. Parang kapatid na ang turing natin sa isa't isa db? Gusto mo ba pagkagising ni Blaize, makita ka niyang ganyan? Namumugto ang mata? Sige ka. Iisipin nyang kasalanan nya kaya naging ganyan siya. Malulungkot siya. Dapat pagkagising niya, isang nakangiting Jessica ang makikita niya. Kung may nararamdaman pa siyang sakit ng ulo, for sure, mababawasan ung kapag nakita ka niyang nakangiti.' 

'Totoo. I agree sa sinabi ni Paige Jessica. Kaming mga lalaki, makita lang namin na nakangiti ung taong mahal namin, kahit na may iniinda kaming sakit, nakakalimutan na namin. Kaya, sige na, magpahinga ka na. Kami ng bahala.'

'Pero hindi din ako makakapahinga sa kalagayan ni Blaize. Ayoko, ayoko, ayokong magpahinga.' Ayaw makinig ni Babe. Please, Jessica, makinig ka kina Paige and Dylan. 

Mas lalo akong nasasaktan kapag umiiyak ka. Hindi ko kaya.

'Jessica, please. Kanina ka pa wala sa sarili mo sa sobrang taranta. Please, take a rest. Kahit one hour lang. Sige na Jessica.'

'Haaaay, sige. Susubukan kong matulog. ' 

Sa wakas, pumayag ka na din Babe. 

Babe, hindi ko alam kung paano ako babawi sayo. Kung pwede lang kuhain yang sakit na nararamdaman mo ngayon, ginawa ko na. Kahit na madoble ung sakit na nararaman ko, okay lang. Basta okay ka. 

My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon