Simula ngayon, puro na muna POV ni Blaize. :)
______________________________________________________________________________
'ARGGGGGH!' Ang sakit pa din ng ulo ko!
' Blaize, ito tubig. Uminom ka muna.' Anlabo pa rin ng mata ko. Kahit hindi ko siya nakikita, alam ko na siya un. Boses niya un.
Sibukan kong umupo pero hindi ko kaya. Inalalayan niya ako. May nahulog na bimpo, basang bimpo, mula sa noo ko. Siguro siya naglagay neto.
'Mahiga ka muna ulit. Kukuha lang ako ng makakain at gamot mo. Halos isa't kalahating araw ka nang tulog dyan.'
'Nasan ung phone ko?' Ito ung unang beses na kinausap ko siya pagkatapos nung nangyari nung birthday niya.
Lumapit siya sa may side table ko at may kinuha.
'Eto oh.' Inabot niya sa akin ung phone ko.
'Kani kanina pa umuwi sina Shaun. Mga alas dyis. Hindi ka na nila ginising. ' Sabi niya bago lumabas ng kwarto ko.
Natutuwa ko dahil nandito siya, inaalagaan niya ako. Kung sana lang na wala kaming problema ngaun, sobrang nagdidiwang ang puso ko, pero hindi e.
Pagkatingin ko sa cellphone ko, ala una na pala ng hapon. So, isa't kalahating araw na pala akong tulog. Ang daming text ni Paige.
'Hey, let's talk.'
'Reply please :(.'
':('
'Are you okay?'
Mga ganyan. May missed calls din siya.
Grabe! Hindi ko man napansin na nagtetext pala sila sa sobrang himbing ng tulog ko.
May text din pala sina Shaun at Zach.
'Bro, umuwi na kami. Tinext ko nga pala si Paige. Wag ka na ulit iinom ng ganun. Ambaba talaga ng alcohol tolerance mo. Twice ng nangyayari yan. Paggaling ka Bro. Pati yang puso mo, paggalingin mo :))))))))'
'Bro, papunta dyan si Paige. Paggaling ka.'
Oo nga pala! Nawala sa isip ko! Mababa nga pala ung alcohol tolerance ko. Kapag nakakainom ako ng madami, iexpect mo na sobrang sakit ng ulo at katawan ko. Tapos 1-2 araw akong tulog.
Kainis! Ayoko na uminom ng madami!
'Blaize. Wake up. Food's here.' Tinatapik ako ni Paige para magising.
Mukhang nakatulog na naman ako.
Tinulungan niya ulit akong umupo. Sinandal niya ako dun sa pader ng kama.
Sinubukan kong hawakan ang kutsara at tinidor. Success! Pero nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko kayang kumain ng mag-isa.
'Hubby, ako na.' Hubby. Ang sarap pakinggan. Kinuha niya sa akin ang kubyertos. Pinakain ako ni Paige.
'Pakisabi kay Manang. Ang sarap ng niluto niya. Salamat kamo.'
'Ah, ano kasi. Ako ung nagluto neto.' Sabi niya sa akin.
'Sorry.' Un lang ang nasabi ko. 'Salamat Paige. Salamat.'
'Sus, wala un. Kaw pa. Haha. Alam mo namang malakas ka sa akin e.' Biro niya. 'Sinisilip ka pala nina Tita at Tito dito kaso un nga, lagi kang tulog.'
Tapos na akong kumain. Pinahiga ulit ako ni Paige. Maya maya ay naramdaman ko na naman na ang bigat ng mga mata ko kaya ipinikit ko ulit.
Nagising ako dahil sa liwanag mula sa araw.
Yesss! I feel much better!
Kikilos na sana ako kaso may naramdaman akong mabigat sa kamay ko. Pagkatingin ko, nakita ko ang ulo ni Paige. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya, alam kong si Paige un. Alam ko kasi ung amoy ng buhok niya.
Nakayuko si Paige. Nakaupo siyang tulog.
May saya na naman akong naramdaman. Buong gabi niya akong binantayan.
Dahan dahan akong bumangon. Inabot ko ung cellphone ko. Pagkatingin ko, alas-sais na pala ng umaga.
Tinanggal ko ung buhok ni Paige na nakaharang sa kanyang mukha para mapicturan ko siya.
One two three.. Click..
Ang amo ng itsura niya. Ang ganda talaga ni Paige.
Binuhat ko siya at hiniga sa kama. Nilagay ko din sa kanya ung kumot. Malamig kasi dito sa kwarto ko. Bago ako umalis, hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan sa noo. 'Good Luck.'
Ngayon ko lang napansin, ang linis na ng kwarto ko. Walang bakas nung mga beer namin. Kahit amoy, wala. Isang tao lang ang naisip kong pwedeng gumawa neto. Tumingin ako sa kanya, 'Thank you.'
Nagshower muna ako. Ilang araw din akong hindi naligo. Hahaha. Medyo kadiri di ba? Syempre, nagtoothbrush din ako.
Tumuloy ako sa kusina namin. Nandun si Manang.
'Good Morning Iho, buti naman bumangon ka. Maganda na ba pakiramdam mo? Anong gusto mong kainin?' Lumapit sa akin si Manang at nagtanong.
'Good Morning po Manang. Mano po. Okay na po ako. Salamat po. Ako na po palang bahala sa breakfast ko.'
'Etong batang ire, baka mapagod ka. Umupo ka na dyan. Ako na bahala.' Tinutulak tulak ako ni Manang papunta sa upuan.
' Okay na po talaga ako. Ipagluluto ko din po kasi Paige.'
Dahil nabanggit ko ung plano ko, tumigil na si Manang.
'Ah kaya naman pala e. Pagibig nga naman. Pegebeg. Wag kang maninira ng gamit dito ah?' Haha. Ang kulit ni Manang. Batang bata.
Pagkatapos ko magluto ay dumiretso ako sa garden. May isang place kasi dun kung saan pwede kayo kumain, magaral. Basta, isa siyang safe haven. Magandang spot for our breakfast together.
Champorado, bread, ham, hotdog, egg, butter, cheese, water and tea. Ayan! Okay na!
Naset ko na din ung table. As always, kami nalang ulit ung kulang.
Tinignan ko ung orasan ko, 7:45. Sakto!
Pinabantayan ko sa isa sa mga kasambahay namin ung inihanda ko. Umakyat ako para gisingin si Paige.
'Wifey, wake up. Breakfast's ready.' Tinapik tapik ko siya. Ayaw dumilat. Ah! Alam ko na! ' Wifey, I prepared your favorite champorado.' Bigla siyang napadilat! Sabi sa inyo e. Hahaha. Nagniningning pa ung mga mata niya.
' Good Morning! How are you feeling?' Bati niya sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay.
' Good Morning! Yup, much better. Ang galing kasi ng nurse ko e.' Lumapit ako sa kanya at kiniss ang noo niya. ' Thank you Wifey.' Namula na naman siya. Haha. 'Come on, I've prepared something special for you. I know you will love it.' Aya ko sa kanya.
Nagulat siya dahil hindi kami sa dining pumunta kundi sa garden. Ten ten ten! Nasurprise na naman siya. Haha
Yinakap ko niya ako.' Thank you.'
Gaya ng ginagawa ko sa kanya lagi, hinatak ko ung upuan niya para makaupo siya ng ayos.
'Waaaah! Ang sarap talaga! Namiss ko tong luto mo. It's been a while nung huling kain ko neto. ' Tuwang tuwa si Paige. Parang bata. Ang cute niya! Ang sarap tignan ni Paige.
Matagal tagal na din pala nung huling beses naming sabay kumain ng breakfast.
'Wifey?'
'Yes?'
'Wanna go to The Amazing Park later?'
Napatingin siya sa akin bigla.
'Baka mabinat ka.' Halatang nagaalala siya. Naramdaman ko un sa boses niya.
' Okay na ako.' I assured her. 'Leggo?'
'Sure!' Sabi niya. Oh db, excited siya.
I wanna make this trip, our last trip, memorable.
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...