The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath.
And emeralds from mountains thrust towards the sky
Never revealing their depth.
Tell me that we belong together,
Dress it up with the trappings of love.
I'll be captivated,
I'll hang from your lips,
Instead of the gallows of heartache that hang from above.
Soundtrip ako ngayon dito sa kotse. I'll be ung isa sa mga favorite kong kanta. Linggo ngayon, on the way sa bahay nina Mom. Dapat mamaya pa akong tanghali pupunta kaso biglang nagtext si Mom na maaga daw ako pumunta. May kelangan daw kami pagusapan.
Si Paige? Okay na naman kahit papaano. Pumunta naman si Dylan kinabukasan. Ako, umalis na. Syempre, they need to talk right? They need privacy. Hay, ang gulo nga naman ng buhay ngayon oh.
Traffic talaga dito sa Manila! Ang init pa! Woooo! Nakakainis!
After few minutes, sa wakas! Nakarating na din sa bahay! Sarap humiga sa sofa. Pagdating na pagdating ko, hihiga agad ako sa sofa. Kahit sofa nalang, nakakatamad umakyat sa kwarto!
Pagkapark, baba agad ako. Eto na, hawak ko na ung doorknob.
Pagkabukas ko, sabay tama ng unan sa mukha ko.
'What the?!' Sigaw ko.
Lagot sa akin kung sino man ung bumato sa akin ng unan. Pagod ako sa byahe, badtrip sa traffic tapos ganto bubungad sa akin?!
'Wag mo ako ma-what the what the dyan Blaize Cruz!' Galit na sigaw sa akin ni Mom.
Ano na namang problema ni Mom at umagang umaga e galit na galit? Nagaway ba sila ni Dad at ako ngayon at napagbubuntunan?
'Hello Mom. Good Morning!' Unti unti na akong lumapit kay Mom para magbeso pero binato na naman niya ako ng unan.
'Mom!'
'Ikaw bata ka! Hindi kita pinalaking ganyan! Hindi kita pinalaking iresponsable! Nakakahiya ka!' Piningot ako ni Mom. Hinatak niya pa ako papunta dun sa sofa.
'Aw! Mom! Masakit! Bitaw na! Ano ba ung sinasabi niyo?'
Ngayon, nakaupo na kami. Ang sakit ng tenga ko. Ang sakit mamingot ni Mom. Nilabas ko ung phone ko at tinignan ko ung tenga ko. As expected, namumula nga. Napakaimpossible naman na hindi mamula ung tenga ko sa ginawa ni Mom. Grabe! Para akong 5 year old na bata na pinapagalitan.
'Hayyyy.' Hindi ko alam pero parang stressed si Mom ngayon. Halata sa mukha niyang hindi siya nakatulog ng maayos kagabi.
'Mom. Ano pong problema?' Tanong ko sa kanya.
Tumingin ng diretso sa mga mata ko si Mom. Napakaseryoso.
'Blaize, anak, paano mo naatim un hah?! Oo, pinaparamdam ko na ayaw ko sa kanya pero hindi sapat un para gawin mo sa kanya un!' Sabi niya.
'Mom, ano po bang ginawa kong mali? Wala naman po akong maalala.'Kalmado kong sagot.
'Dyusme kang bata ka!' Ginulo ni Mom ung buhok niya. Sign na sobrang naiinis siya. 'Matalino ka Blaize! Hindi ko alam kung bakit ganto ka umasta ngayon! Para kang walang alam!'
Hayyy. Alam niyo bang wala akong naiintindihan? Kasi naman po, wala akong clue kung ano sinasabi ni Mom sa akin e. Hindi tuloy ako makapagreact.
'Mom, pwede po bang pakidiretso na ako?'
'Hayyy.' Napasigh nalang ulit si Mom. 'Anak, buntis si Jessica, mga 7 months.'
WHAT THE HECK?!
SI JESSICA?! BUNTIS?! 7 MONTHS?!
Nanlaki ung mga mata ko sinabi ni Mom. Nabigla ako! Si Jessica?! Buntis?! Teka, kahit kelan, walang nangyari sa amin.
Paano? SINO?!
Hindi ako makapagsalita. Nablangko ako. Paano?!
'M-Mom.'
'Son, bakit hah? Bakit hindi mo siya pinanagutan huh? Oo, mas gusto ko si Paige keysa sa kanya para maging daughter-in-law pero my gosh son! Mali ang ginawa mo! Nagbreak ba kayo dahil ayaw mo siyang panagutan?! Itinago mo pa sa akin na buntis siya! Nakakahiya ka Blaize Cruz!'
Hindi magsink in sa isip ko ung sinabi ni Mom. Hindi ko talaga alam kung paano nangyari un? Timer ba si Jessica? 6 months palang nung nagbreak kami. Ibig sabihin, 1 month pregnant na siya nun?! Meaning, naging timer nga siya!
Arghhhhh!
'Mom, paano niyo nalamang buntis si Jessica?'
'7 months ago, sinabi mo sa aking break na kayo pero hindi mo sinabing buntis siya. Kung hindi pa sinabi sa akin ng kaibigan ko na buntis si Jessica, edi hanggang pinaglilihiman mo pa din ako!'
'M-Mom'
'Shut up! Hindi pa ako tapos magkwento. So eto na nga. Nagmeet kami ng friend ko. Ob siya. Then I was shocked. Krinongratulate niya ako. May grandson na daw ako. Siya ung OB ni Jessica. Small world right? Inexplain niya na nakita niya si Jessica isang beses sa party sa bahay then pinakilala na girlfriend mo. Meaning, ikaw ang iisiping ama. What the Blaize?! Hindi ko matanggap na tinago mo sa akin to.' Paghuhumerentado ni Mom. Namumula na nga si Mom sa sobrang galit e.
Kaya ba siya nakipagbreak sa akin dahil nabuntis siya? Un ba un Jessica? Sana man lang sinabi mo sa akin ung totoo!
'Mom. Hindi po ako ang ama.'
Napatingin sa akin si Mom. Napataas ung kilay niya.
'Hindi magandang biro Blaize.'
'Hindi po ako nagbibiro Mom. Never pong may nangyari sa amin ni Jessica.' Seryoso kong sagot.
'Walanghiyang babae yan! Nagawa ka pang lokohin! Kung kanina, naaawa ako sa kanya, ngayon, galit na galit ako sa kanya! Wag siyang magpapakita sa akin!' Galit na galit na sigaw ni Mom.
'Mom, please. Pabayaan na natin siya.' Yinakap ko si Mom. 'Please Mom. Pabayaan na po natin siya.'
'Pero Anak--'
'Please Mom. I can handle this.'
'Blaize, don't tell me pananagutan mo yung bata?!'
'Hindi po Mom. Trust me. Ako na pong bahala.' I assured her. Nakayakap lang ako kay Mom ng ilang minuto. Ramdam na ramdam ko ung pagiging protective niyang mother sa akin. I'm so lucky to have her as my mother. Napasigh nalang siya. Meaning, she agreed.
'Thank you Mom.' Mas yinakap ko siya ng mas mahigpit.
Masakit malaman na buntis pala siya. Buntis pala siya habang kami. What the?! Sino ang ama?! Un ba ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay siya sa akin? Para makapagsama na sila kung sino man un?!
ARGGHH!
Kala ko tapos na ung issue tungkol dito. Hindi pa pala!
----------------------------------------------
Back! :D
Sorry kung matagal ung update. Busy e. Pero ngayon, hindi pa masyado. Christmas break e :D
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...