BLAIZE'S POV
Ang bilis lumipas ng panahon. Bukas na. Bukas na ang debut party ni Paige.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Chinecheck ung mga kelangan ko bukas.
Pictures, Sounds, Video. Perfect. Kami nalang ang kulang.
Sigurado akong magugulat si Paige sa gagawin kong ito. Surprise kung suprise ika nga. Magiging the best birthday niya ito ever since. Basta para kay Paige, gagawin ko ang lahat.
Knock knock knock
'Kuya, dinner's is ready.' Mukhang si Adrian ang nautusang tumawag sa akin ngaun ah. Siya nga pala ung nakakabata kong kapatid. Isang taon ang tanda ko sa kanya.
Iniwan ko ung laptop ko sa kama at bumaba na. Mapapagalitan lang ako nina Mom kapag hindi ako sumabay sa kanila sa pagkain ng dinner.
Aba! Ayos ah. Kumpleto kami ngaung kakain. Si Dad, Mom, Ako, Adrian atsaka si Shanne, ang bunso at unica hija ng pamilya. Tatlong taon ang tanda ko kay Shanne.
'Okay, let's pray. Shanne, lead the prayer. ' Sabi ni Mom.
Nagdasal ng taimtim si Shanne. Lagi un ang prayer na sinasambit niya tuwing kumakain kami pero parang iba ung dating sa akin nung prayer ngayon. Siguro dahil, kumpleto kami ngayon.
Ang saya sa pakiramdam pag buong pamilya kayong sabay sabay nagdinner. Napagkwentuhan namin ung mga nangyayari sa school syempre pati si Paige. Hindi lingid sa kaalaman ng aking pamilya ang tungkol sa amin ni Paige.
'So Son, kamusta kayo ni Paige?' Tanong sa akin ni Dad.
'Okay naman po kami Dad. Balak ko pong magpropose sa kanya bukas. '
Lahat sila napatigil sa pagkain. Nakatulala sila sa akin. Ano na naman bang ginawa ko?
'Anak, wag kang magmadali. Bata pa kayo.' Sabi sakin ni Mom.
'Oo nga naman Kuya. 18 palang kayo pero magpapakasal na agad kayo.' Sabi ni Shanne.
'Po? Mali po kayo nang pagkakaintindi. Ang ibig ko pong sabihin e, pormal ko na po siyang tatanungin kung pwede po ba akong manligaw sa kanya.' Paliwanag ko sa kanila. Nakita ko naman sa mukha nila ang kaginhwaan.
'Ano? Hindi kayo ni Paige Anak? E halos dalawang taon na ----' Sabi ni Mom pero naputol ung sinasabi niya nung biglang nagsalita si Dad.
' Blaize, bakit parang masyado naman atang matagal bago ka manligaw kay Paige?' Tanong naman sa akin ni Dad.
' Dad, kapag po ba MU, hindi pa ba ligaw un tawag dun? ' Iwas ko sa pagsagot kay Dad. Alam kong mapapagalitan lang ako pag sinabi kong 'E parang kami naman e. Hindi na kelangan nyun.'
' Depende sa tao yan e. Tska Anak, maraming meaning ang MU. ' Sagot ni Dad.
'Tska Blaize, sa MU, walang 100% assurance. Ung isa kasi sa inyo, pwede mangiwan sa ere.' Sabi naman ni Mom.
Bakit parang un lagi ung pinupunto nila sa akin? Kapag MU, walang assurance. Pwedeng magiwanan. Pero hindi kapag MU, mahal naman nila ang isa't isa?
Tinapik ni Dad ang balikat ko. ' Good luck bukas Anak. ' Apat na salita lang iyon pero tumagos sa puso ko.
Napagusapan din namin ung balak ni Adrian sa ibang bansa sa kolehiyo. Yun ung pinaguusapan nina Mom and Dad nung umuwi ako. Hanggang ngayon, wala paring linaw kung pinayagan na nilang magaral sa ibang bansa tong si Adrian. Ewan ba dito sa kapatid kong to kung bakit gusto sa ibang bansa magaral. Bigla bigla kung magdesisyon.
Nang matapos ang aming family bonding, kung family bonding man ang maitatawag dito. Umakyat na ako sa kwarto ko. Final check sa mga gagamitin bukas.
BINABASA MO ANG
My Love
Teen FictionSome people are meant to fall in love with each other, but not meant to be together. Totoo, parang ako at siya. Close to perfection na ang buhay ko. Isang matamis na 'Oo' nalang ang iniintay ko to make it closer to perfection. Sa hindi ko inaasahang...