Chapter 3

899 148 11
                                    

"Anong gagawin mo dun anak?" tanong saken ni tito. Nagpapaalam na ako sa kanya kasi naman mamaya na yung flight namin.

"Magbabakasyon po tito kung pwede lang.." kailangan mo talagang pumayag tito kasi mapapatay ako. Mawawalan na ng diyosa ang mundong ito.

"Paano ang pagaaral mo?" expected naman toh na marami talagang itatanong si Tto saken.

"Excuse po ako.. educational trip rin po kasi yun." pagsisinungaling ko para matapos na.

"O sige anak, basta magiingat ka dun okay?" ang swerte ko talaga at naging tito ko siya.

"Opo."

Umalis na si Tito, may business meeting ata siya.

Kinuha ko na ang maleta ko sa kwarto at pababa na ng hagdan nang..

"O san ka pupunta?" She asked sarcastically. Hay! nandito na naman ang kontrabida sa buhay ko.

"Lysha please, ayoko ng away." malumanay kong sabi. Syempre ayoko naman na magaway kami, pinsan ko siya noh.

"Tss! ayaw mo ng away? then bakit ka sumusipsip sa daddy ko!" ganyan talaga ang kinagagalit niya eh, inaagaw ko raw sa kanya ang lahat.

"Hindi ko ginagawa yun Lysha."

"Talaga lang ha?!"

"Sorry Lysha, pero nagmamadali ako." kinuha ko yung maleta at akma ng bababa nang..

Hinila niya ang hindi gaanong mataas na buhok ko..

"Lysha stop it! " Lumaban na ako sa kanya.I push her at napahiga siya sa sahig.

" Isusumbong kita kay Daddy!" tumayo na siya at pumasok na sa kwarto niya. Hay! Warfreak talaga ang pinsan ko.

----------

Charlene's POV

"Hey Lady! isang kotse na naman ang nasira mo!" bulyaw saken ni Daddy. Nasira na naman kasi ang bagong bili niyang kotse. Kasalanan ko ba kong hindi matibay yun?

"Sorry Dad.." yumuko ako.Ganito lang naman ang ginagawa ko pagnakakagawa ako ng kasalanan, yuyuko. Hindi naman ako matitiis ni Daddy.

"Okay, I forgive you." He tapped my head. O diba effective!

"What's with that eyes, young lady?" binigyan ko kasi siya ng puppy eyes. As usual may hihingin na naman ako.

I smiled. "Can I have a new car? please?" I pleaded. Kaya nga may side saken na masaya na nasira ang kotse ko dahil magkakaroon na naman ako ng bago.

"As usual, okay, just use your credit card." O diba payag agad. Hindi naman sa pagmamalaki, marami naman kaming pera so what's the use of it?

"Thanks Dad!" I hugged him. Yay! may bagong kotse na naman ako.

"I better go.." pagpapaalam ni Dad at hinalikan ang noo ko.

Nagbihis na ako para pumunta sa bilihan ng mga kotse. Simple lang ang suot ko hindi naman ako maarte.

Nagpahatid ako kay Manong gamit ang kotse na Mommy, wala naman siya nasa Europe for business trip.

Pagdating ko pumasok ako agad. Excited na akong pumili ng kotse.

"Anong bagong labas nyo miss?"

"Anong bagong labas nyo miss?" tumingin ako sa taong kasabay ako sa pagtanong.

Kung minamalas ka nga naman o!

"The 2016 Ferrari 488 GTB, sir, ma'am. By the way good afternoon po." lumingon siya saglit tapos binaling rin ang tingin dun sa lalaki.

Cassiopeia : University of MafiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon