Carmel's POV
" Ethanol is very weak acid and does not dissociate to any appreciable amount. So CH3CH20H+H20-H30+CH3CH20-Ka=1.3x10^-16. The dissociation of acetic acid is Ka of 1.8x10^-5, it is also weak acid but it dissociates about 10^11 times more than ethanol, 10^6is a million times 10^9 is a billion times 10^11 is 100 billion times more acidic than ethanol." I furtherly explained. Students amazingly stared the mixture in the beaker.
I am here in the science laboratory,as the science club president I need to teach my members and explained to them everything, the competition is fast approaching so we need to get ready.
"We got it Ms. Park." sabi nung Jean ba yun? basta yung babaeng kulot at pandak di ko na kasi maalala pangalan niya.
"Okay. I need to go." paalam ko sa kanila. Kanina pa kasi ako nagugutom, 12:30 na kaya for sure naiinip na yung tatlo sa paghihintay saken.
Tumango lang siya bilang sagot kinuha ko na yung mask na nakatakip sa baba ko at hinubad ang gloves at apron. Dali-dali akong pumunta dun sa desk na kinaroroonan ng mga gamit at dinala na ito palabas.
Mabilis akong tumakbo sa hallway, baka mapatay kasi ako nung tatlo mahirap na.
Hindi na ako tumitingin sa dinadaanan ko at..
"Aray!" mabilis kong sambit. Ikaw ba naman ang matumba at muntik pang mahalikan ang sahig.
Uggh!
Halatang sinadya ito, nakita ko kasing may dalawang lalaki sa magkabilang dulo ang nakahawak sa lubid.
Tumayo ako at pinagpagan ang sarili, pinulot ko yung libro at inayos ang eyeglass ko muntik na kasing mahulog.Nakita ko pang marami ng tao ang nakapaligid saken.
Nakakahiya.
Pero sanay na naman ako,araw- araw kaya tong ginagawa saken. Hindi ko alam kung bakit, bakit siya ganito?
Si Sydney Tiu.
Kahapon nilagyan nya rin ng oil yung floor ng science lab para madulas ako. Pano ko nalaman? Sinabi kasi nung isa pang nerd na nandun sa loob.
Hindi ko maintindihan kung may galit ba siya saken o ano? wala naman akong ginagawa o naggawa sa kanya.
Siguro naiinis siya sa hitsura ko. Pero sa dinadami ng nerd dito ako pa talaga?
Naglakad nalang ako palayo, hindi ko na sila pinansin. Bakit pa? Alam ko naman na lalaki lang yung gulo.
Hindi ko rin sinasabi to sa mga kaibigan ko, alam ko naman kasi na mga basagulera ang mga yun baka magkaroon lang ng world war III dito sa campus.
"Oh anyare sayo?" tanong no Charlene na nakapamewang pa, ibang klase talaga tong kaibigan ko.
"Nothing." sagot ko. Palagi lang naman yan ang sinsabi ko pati kay mommy at daddy kaya siguro akala nila okay na lahat saken kasi pagtinatanong nila ako sasabihin ko lang naman na wala o kaya 'okay lang ako', nasanay na rin naman ako kahit sa loob ko gusto ko ng umiyak, gusto ko ng magwala.
Umupo na kami sa karaniwan naming pwesto, inilapag ko ang libro at umupo sa right side, nasa tabi ko si Regine sa left side naman si Faith at Charlene sayang wala si Marie dito, ginawa kasi slave nung Mc John na yun. Kumusta na kaya sya?
"Ano order nyo?" tanong ni Regine.
"Juice lang saken." sabi ko. Nawalan ako bigla ng gana, kumain na naman ako ng marami kaninang umaga kaya siguro okay lang kung hindi muna ako kumain.
BINABASA MO ANG
Cassiopeia : University of Mafias
HumorHighest Rank Achieved : #36 in Humor Cassiopeia University. If you thought that this is a university for normal students, then you are wrong. This university is full of mafias.