Faith's POV
Jose de Vera
Makakalimutan ko pa kaya ang pangalan na yan? eh pati sa pagtulog kasama ko yan.
Pero kung tinatanong nyo kung ano siya sa buhay ko, ang yanging masasabi ko ay...
WALA.
Kasi simula ng umalis siya, simula nung iwan nyo ako wala na siyang kahit katiting na parte ng buhay ko.
"Anong ginagawa mo dito?" mariin kong tanong sa kanya. Agad kong pinahiran ang mga luha ko at lumingon sa kanya.
"Ganon ba ang pagbati mo saken?" yung mukha niya, yung boses niya, ganun pa rin, walang nagbago. Pero ang tibok ng puso ko para sa kanya, yun ang nagbago.
"Anong gusto mo? magpaparty ako para lang batiin ka?" masungit na sabi ko sa kanya. Ang kapal ng mukha niya, kung makapagsalita parang walang nangyari?!
Tumayo ako at gaya ng ginawa niya saken noon, iniwan ko rin siya ang pagkakaiba lang namin alam niya na umalis ako, ako? alam ko ba na umalis siya? HINDI at yun ang pinakamasakit sa lahat.
Charlene's POV
"Good evening young lady!" bati ni Yaya Arlene pagkapasok ko sa main door ng bahay namin. Nakakapagod magshopping kasama yung mga bruha ako pa ang ginawang taga bitbit ng mga binili nila.
"Si daddy po?" tanong ko. Usually kasi pag ganitong oras nakakauwi na si daddy.
"Wala pa po pero yung mommy nyo kakarating lang." si mommy? nakauwi na?
"Talaga? nasan siya?" excited kong sabi sa kanya, sino ba naman ang hindi diba? nakauwi lang naman ang ina mo.
"Are you looking for me princess?" agad akong napalingon sa hagdanan at nakita ko si mommy. Nakangiti ito ng napakatamis, lalong tuloy siyang gumaganda.
Agad akong tumakbo at napayakap kay mommy, ilang buwan na ba kaming hindi nagkikita?
"I miss you mom." dagdag ko pa habang nakayakap pa rin sa kanya.
"Si tita lang ba ang namiss mo?" tumingin ako sa mataas na bahagi ng stairs, at napataas nalang ako ng kilay nung makita ko na isang asungot ang nakita ko dun. Sino pa?
Edi...
Ang nerd kong pinsan.
"Anong ginagawa mo dito?" nakapamewang kong tanong sa kanya.Hayaan nyo na kami, ganito lang talaga ang endearment namin.
"Sus, eto naman, para namang hindi natutuwa na nandito na ako." sabi pa niya sabay lakad pababa. Kahit kailan talaga ang sarap ihulog nito sa hagdanan eh.
"Oo na. So bakit andito?"
"Bakit hindi ba pwede?" tingnan mo to. Kailan pa naging sagot ang isang tanong? parang ewan lang noh?
"Alam mo para kang tanga! sagutin mo nalang ang tanong ko." pagkatapos kong magsalita ay bigla nalang siyang natahimik. Ayun! gets ko na.
"Tss! pagibig nga naman o." umiling-iling ako habang sinsabi ko yun. Ang hindi ko lang maintindihan bakit maraming tanga at bobo sa pagibig na yan.
"Princess I'll just prepare dinner. Mag-usap muna kayo ng pinsan mo." naglakad si mommy papuntang kitchen at kaming dalawa papuntang sala.
"Kumusta ka na?" pagiiba ko ng tanong.
"Okay lang." ba't ang tipid sa sagot neto? nagshoshortage na ba ang laway?
"Teka nga? ba't ngayon mo pa naisipang bumalik?"
"Wala ka man lang bang napansin na bago saken?"
" Hmmm..bukod sa tshirt mong bagong bili dahil may price tag pa sa likod.." inikot ko ang buong tingin sa mukha at katawan niya. " Wala naman."
BINABASA MO ANG
Cassiopeia : University of Mafias
HumorHighest Rank Achieved : #36 in Humor Cassiopeia University. If you thought that this is a university for normal students, then you are wrong. This university is full of mafias.