Faith's POV
"And now the most awaited part of the program, the coronation of the king and queen of the ball!" nagpalakpakan kaming lahat. Nakabalik na kami sa table namin, masaya ako sa nangyari dahil si Kirk my loves ang first dance ko.
Yay! sino kaya ang magiging king and queen of the ball?
"And our King for the ball is none other than.....
Mr. Virgil Clarkson!" sino yun? parang ngayon ko lang ata yan narinig.
Ah yun pala. Nakita ko kasing may umakyat na lalaki sa stage, infairness gwapo rin.
Nilagay na ang crown sa ulo niya, totoo kaya yan? Kung totoo sana ako nalang ang maging queen para maisangla ko yan at magkaroon ako ng pera.hehehe
"And the queen is.....
Ms. Diane Fernandez!" at sino naman ang babaeng toh? kainis siya ha inagawan niya ako ng trono, manakaw nga yan mamaya.
Umakyat na rin yung matangkad at pangit na babae, oo pangit siya sa paningin.
"Ang ganda nung babae noh?" kakasabi ko lang diba? pangit nga diba? itong si Regine malabo na ata ang mga mata eh.
After koronahan nung pangit na babae ay sumigaw naman ng tao ng 'kiss'.
"And the golden rule of the coronation, the king and queen will kiss each other." anong golden rule? ang bobo naman pala ng mga tao rito, akala nila the king and queen will kiss each other ang golden rule diba nila alam na 'Don't do unto others what others don't want to do unto you.' naku kailagan nilang malaman ang katotohanan.
"Do not do unto others what others do not want to do with you, yun yung golden rule Kirk.hehehe..."sabi ko sa kanya para naman malaman niya ang totoo, aba ayoko naman na magmukhang tanga si Kirk .
"What are you saying?" kumunot ang noo niya. Tingnan mo na, tingnan mo na di nga alam ang golden rule.Hay! di kasi nakikinig sa ESP eh.
"Magbasa ka ng libro sa ESP..hehehe." aba dapat lang na matuto siyang magbasa para alam nya ang totoo sa hindi.
"Tss. Weird." ako pa? ako pa ang weird? sila kaya tong tanga!
"Kiss!"sigawan na naman ng mga tao. Bakit ba kasi ang tagal nilang magkiss.
Nakita kong napangiti ang nakoronahan at nagkatinginan sa isa't-isa. Aayaw pa, may something rin pala.
Unti-unting inilapit nung lalaki ang mukha niya sa babae, ayos live show na naman to.
Nakita kong tumayo si Kirk at naglakad papunta dun sa stage, hindi ba niya matanggap na hindi siya nanalo o baka naman oh my god! gusto niya na siya ang mahalikan nung king ng ball.
Bakla si Kirk my loves?!
Umakyat siya sa stage at kinaladkad ang babae pababa, nabigla naman ang tao sa inasta niya, sabi ko na eh bakla talaga siya huhuhu. Kaya niya kinaladkad ang babae kasi nagseselos siya rito.
Dumaan siya sa table namin pero hindi niya kami pinansin at patuloy niyang kinaldkad ang babae papunta sa labas, kawawa naman siya, napagselosan ni Kirk.
Tiningnan ko ang mga kaibigan ni Kirk at seryuso ang mga mukha nila. Anyare?
Agad akong tumayo para sundan sila Kirk.
"O saan ka pupunta Faith?" tanong ni Carmel.
"Naiihi ako." pagsisinungaling ko.
Tumakbo ako sa daan kung saan papunta sina Kirk at nakita ko sila hallway nitong hotel. Hindi ako at nagpakita sila at nakatago lang at sumisilip sa isang sulok.
BINABASA MO ANG
Cassiopeia : University of Mafias
HumorHighest Rank Achieved : #36 in Humor Cassiopeia University. If you thought that this is a university for normal students, then you are wrong. This university is full of mafias.