Faith's POV
"Sige na tulungan nyo na ako please.." pagmamakaawa ko sa kanila. Kasi naman kung hindi kikilos ang tadhana para pagtagpuin kami ni Kirk my love, edi ako na gagawa nun.
"O sige na, pero may kapalit." Ganyan naman palagi eh, may kapalit. Tss! Parang walang pinagsamahan noh?
"Oo alam ko na, sayo Regine pagkain, sayo Charlene naman pera pang gasolina at sayo naman Carmel edi ano pa? edi libro. O siya tulungan nyo na ako ha?" sabi ko sa kanila. Sana lang magtagumpay kami.
"Ano ba gagawin natin?" Regine asked while eating the fries.
"Simple lang, basta sundin nyo lang mga plano ko." I smiled.
Humanda ka Kirk Alvarez my love, makikilala mo na ang ka heartstring mo.
----
" Nasan na yung sira na sapatos may heel?" tanong ko sa kanila. Nagtatago kami dito sa isang sulok at mukhang parating na si Kirk my love para dumaan.
"Eto na." inabot saken ni Charlene. Sinadya pa talaga naming sirain toh para lang matupag ang magandang moment na naisip ko.
Sinuot ko na yun at pumunta sa daanan ni Kirk. Good thing mag-isa lang siya. Plano ko na pumunta sa harap niya at kunwari magtatanong ng direksyon pero matatapilok ako dahil sira yung heel ng sapatos ko and then sasaluhin niya ako, magkakatinginan kami for a minute at maiinlove na siya saken. Yey! diba ang talino ko. Mas gumagana na ang utak ko kaysa kay Carmel ngayon.
Gosh! Ayan na siya..
"Uh.. Hi! pwede bang magtanong ng direksyon?" I smiled sweetly.
"Tss!"yun lang sinabi niya. Gagawin ko na ang isang plan ko, ang matapilok.
"Ouch!" Kainis! ang sakit ng balakang ko. Hindi niya ako sinalo at nakatayo lang siya.Nasubsob tuloy ako sa sahig.
"Next time, be careful. Here.." may inabot sya sakeng pera. Hindi ko yun tinaggap pero inihulog niya sa harap ko.
"Buy some shoes." at umalis na siya. Leche! hindi man lang ako tinulungang tumayo. Buti nalang walang katao-tao dito sa parking lot.
"Faith, are you okay?" tanong ni Carmel at inalalayan akong tumayo.
"Hahahahaha..ano ba yan Faith, epic fail!" sabi ni Charlene tumatawa kasama si Regine. Mga tunay na kaibigan talaga.
Humanda ka Kirk My Love, hindi pa ito ang huli.
----
"Sigurado ka bang gagana na yang plano mo Faith?" tanong ni Carmel saken. Bumibili na ako ng kape para sa susunod kong plano. Ngayon sisiguraduhin ko na na hindi ito papalpak.
"Teka nga lang nasan ba kasi si Charlene?" kanina pa namin hinahanap si Charlene pero hindi talaga namin siya makita. Naglakwatsya na naman ang bruha!
"Ano ba kasing plano mo Faith?" kumunot ang noo ni Carmel. Siguro hanggang ngayon hindi pa rin nila nahuhulaan kung ano ang gagawin ko. Ang hihina kasi ng mga utak eh.
" Psh! mamaya ko nalang iiexplain sa inyo." lumabas na kami sa coffee shop at pumunta na naman dun sa parking lot kung saan dadaan si Kirk my love.
---
"Basta dyan lang kayo ha?" sabi ko sa kanila. Plano ko kasi na banggain ng sadya si Kirk my Love tapos matatapon sa kanya ang kape na dala ko. After nun mababasa ko ang suot niya, pasimple kong pupunasan ang nabasang parte ng katawan niya. O diba mahahawakan ko na rin si Kirk My Love! pero hindi nagtatapos dun, magiinsist ako na ako na ang maglalaba ng madumi niyang tshirt, papayag siya dahil ako naman ang may kasalanan. Dahil dun magkakaroon kami ng connection dalawa, Maiinlove siya saken dahil sa kabaitan at kasipagan ko. O diba, ngayon wala na talaga tong palya!
Nagsimula na akong maglakad nang makita ko si Kirk na paparating na. Oh God tulungan mo ako!
Mga ilang meters nalang at mababangga ko na talaga si Kirk My love nang....
"FAITH!!MAY SASABIHIN AKO SAYO!!!" O shit! pahamak talaga toh kahit kailan si Charlene. Gosh! ang init ng kape na nabuhos sa katawan ko. Ginulat ako ng bruha at bigla nalang umakbay sa likod ko. Edi nabuhos ang kape sa sarili ko!
Nakakahiya! nakatingin pa naman siya.
" Charlene naman!" sigaw ko sa kanya habang pinupunasan ng tissue ang suot ko. Nagpeace sign lang siya saken at dali-daling tumakbo.
Humanda ka talagang bruha ka saken!
Naglakad na ako paalis. Nakakahiya naman kasi kung mananatili pa ako dun. Edi para akong tanga!
Psh! Pero hindi ako susuko noh! marami pang paraan para mapansin ako ni Kirk , at gagawin ko yun lahat. Kaya tadhana umayos ka!
------
Marie's POV"Anong sabi mo?" what the freaking hell!
"Tsk! Don't make me say it again, it's fucking annoying!" he said.
"Anong marry, marry sinasabi mo?!" tumayo ako sa gulat.
"Can you just shut up?! I'll explain it to you later. Let's just finish our dinner!" bakit mamaya pa? nalilito na ako! Aish!
--
"Ano na?" nandito kami sa garden nila. Busy siya sa paglalaro ng laptop niya kaya inopen ko yung topic.
"What now?!" hindi man lang siya tumingin saken.
"Pwede mo bang eexplain saken ang tungkol dun sa marry me, marry me?"
"Tsk! your freaking annoying you know?!" hindi pa rin niya inaalis ang mata sa paglalaro. Naiinis na talaga ako sa laptop niya ha! Mahirap ba sa kanya ang pagsasalita ng malumanay? Nakakainis na siya, dinala pa niya ako dito tapos hindi niya sasabihin saken?!
"Pwede mo bang eexplain mo na saken ang lahat? mababaliw na ako sa kakaisip eh."
"Aish! Ano ba gusto mo malaman?!"
"Lahat! kung bakit tayo nandito, ano bang gagawin mo saken? Can you just answer me?" pinipigilan ko nalang ang inis ko baka mapatay ako nito.
"Haist! okay were here in Spain to get married!"
"At sinong nagsabi sa iyo na magpapakasal tayo?! at bakit dito sa Spain?!"
"Tss! you forget? you said you'll do everything for me. So this is an order, you'll marry me!"What the freaking hell? so ito ang kabayaran sa maliit kong nagawa sa kanya? Pagpapakasal?
"Pero bakit dito sa Spain tayo nagpunta?" hindi ko pa rin maintindihan ang lahat. Marami pa ring mga tanong ang tumatakbo sa isip ko.
"Stupid! Kung dun tayo sa Pilipinas magpapakasal maraming makakaalam at tsaka this marriage is only between you and me.So we'll have the wedding tomorrow!That's an order!" binaling na niya ulit ang atensyon sa paglalaro habang ako nanatiling tulala.
Private Marriage?
Bukas?
Oh God!
---------
A/N:
Ako ang natatawa sa update ko ngayon. Hahahaha..
By the way gusto ko lang po magpasalamat sa kaibigan kong nagbigay ng kanilang opinyon at idea para sa plot ng story..
Kina Regine, Charlene, Whoopi, at sa stupid bestfriend kong si Faith tenk u sa inyo.
Vote and Comment.
BINABASA MO ANG
Cassiopeia : University of Mafias
HumorHighest Rank Achieved : #36 in Humor Cassiopeia University. If you thought that this is a university for normal students, then you are wrong. This university is full of mafias.