Faith's POV
"Bakit nakatingin lahat ng tao saten mga bes?" tanong ko sa kanila. Pano ba naman kasi kahit saang banda namin tingnan lahat talaga nakatuon samen.
Baka naman celebrity pala kami? hindi lang namin alam? Naks Faith may nakapansin talaga ng beauty mo.
"What's there problem?" tanong ni Carmel. Siya ang matalino diba? edi dapat siya ang makasagot niyan.
" Sus inggit lang sila dahil magaganda tayo." sabi ni Regine. Aba ang bruha nahawa na rin sa pagiging confident ko.
"Weird." sabi ni Charlene. Weird talaga pero kung tutuusin mas weird pa ang babaeng to kaysa sa nangyatari to.
"Hello!" napalingon kami sa babaeng papalapit samen, ang koreana naming mga kaibigan.
"Oh your here, let's go?" yaya ko sa kanila papuntang next class. Magkaibigan na talaga kaming lahat, ang saya lang kasi sampu na kami.
"Haven't you heard the news?" tanong ni Jessa na ikanatakha naming tatlo, si Charlene kasi wala man lang expression sa mukha.
"What news?" tanong ko. Malay ko ba sa news na yan di naman ako nanonood ng tv patrol pwera nalang kong textmate ko si kabayan.
"You were the lucky four girls." sabi ni Jhanine.
"Huh?" anong lucky pinagsasabi nito? lucky me? excuse me lang hindi kami poor para kumain lang ng pancit canton.
--------
Nasa room kami ngayon habang hinihintay ang professor sana nga hindi lang siya pumasok wala naman kasi kaming napupulot na aral sa kanya.
Kinuha ko nalang ang cellphone ko para pagpantasyahan na naman si Kirk My loves nang....
"Attention to. .
Ms. Charlene Sy
Ms. Regine Chen
Ms. Faith Enriquez
Ms. Carmel Park.
Pls. proceed to the dean's office right now." ano daw? tama ba yung rinig ko?
"Ano yung narinig ko? pinapatawag tayo?" tanong ni Regine.
Nagkibit-balikat lang ako, pati rin naman ako walang alam eh.
"Let's go." saad ni Carmel na ikinatakha namin. Hindi man lang ba siya natatakot? Hay naku may kabobohan rin pala tong kaibigan ko.
"Seryuso ka?" tanong ni Charlene.
"Of course." sagot niya.
"Hindi ka ba natatakot?" ako naman ang nagtanong.
"Why would I?"
------
Charlene's POV"Congratulations makakasama nyo ang apat na gwapo sa campus na to." ang kapal talaga ng mukha ng hambog na to kaya nagkakaroon ng air pollution eh dahil sa kahanginan niya.
Pagkapasok palang namin dito ang apat na to ang agad na bumulantang sa amin na nakaupo sa sofa. Akala namin na ang dean ang nagpatawag samen itong apat pala.
"Well kung ganun sorry pero di kami intereseted." I rolled my eyes on him. Kung siya lang naman ang makakasama ko sa ball matutulog nalang ako baka mas maganda pa ang bangungot ko kaysa pagnumukha niya.
"Tss! akala mo interested ako sayo? kung alam ko lang na ikaw ang makakapartner ko sana nagpakamatay nalang ako." sabi niya.
"Edi gawin mo ngayon para naman mabawasan ang pangit sa mundo."
BINABASA MO ANG
Cassiopeia : University of Mafias
HumorHighest Rank Achieved : #36 in Humor Cassiopeia University. If you thought that this is a university for normal students, then you are wrong. This university is full of mafias.