Chapter 13

541 85 3
                                    

Joemarie's POV

"Stay away from my wife, Blood or I will kill you." Parang nabuhay ang loob ko nang makita ko si Mc John. May hawak siyang baril na nakatutok sa lalaking may hawak saken.

"Is that so? You're holding my life but remember I am also holding your wife's life, if you'll shoot me, I will shoot your wife as well." Nanginginig pa rin ang tuhod ko sa takot. Bakit ba may mga baril sila?

Nakitang kong ngumisi si Mc John ng nakakaloko. " You can't do that." Nangingilid na ang mga luha ko, pakiramdam ko hindi pa rin ako ligtas.

"Why? You have doubts of my capabilities huh?!"

"I have no doubts of your capabilities Blood, I have doubts with your feelings." Hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi nila, masyado ng naguguluhan ang isip ko sa mga pangyayari.

"You bastard!" Naramdaman ko ang pagtulak nung lalaki saken papunta kay Mc John at dali-dali siyang tumakbo.

"Fuck that coward Blood!" narinig kong sabi niya. Hindi ko na masyadong naaninag ang mukha niya dahil natatabunan na ito ng mga luha.

"Shhshh.. stop crying wife, I'm here." nabigla ako sa tinawag ni Mc Jonh saken, pero hindi ko na yun masyadong inisip. Naramdaman ko nalang ang pagpikit ng mata ko at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

----------

Faith's POV

"Ayaw ko ngang magmake-up!" bulyaw ni Charlene samen. Hay! ang KJ naman ng isang to make-up na nga lang ayaw pa. Napagkasunduan naming apat na dito nalang maghanda sa bahay nila Carmel wala si Tito dito kaya mag-isa lang siya.

"Okay lang yan Cha para mas lalo ka pang gumanda." sabi naman ni Carmel. God! nakakastress na ang bruhang to ayaw ko pa namang magmukhang hagard sa ball.

"Dali na Cha 1 hour nalang ang natitirang oras natin para maghanda." pakiusap naman ni Regine. Hindi talaga kami papayag na hindi magmake-up ang isang to, all for one kaya kami kaya dapat lang na kaming apat ay parehas.

"Oo na, pero light lang huh! ayokong magmukhang clown." sabi niya at sinimulan na namin siyang i-make-up.

-------

"Ang ganda natin bes!" sabi ko sa kanila habang nakatayo kami sa malaking mirror.

"Tss! ngayon nyo lang ba nalaman?" sabi ni Regine. Aba natuto na rin ang bruha ah, nahawa na ata saken.

"Mel, hubarin mo nga yang eyeglass mo." akma ko na sanang tanggalin ang salamin niya nung harangan niya ang kamay ko.

"Wag Faith, di ako kumportable pag walang glasses."

"Eh pangit kasing tingnan, ang ganda ng gown mo tapos nakasalamin ka.Eh diba nilagyan kita ng contact lens hindi ka parin nakakakita?" Oo nilagyan ko siya ng contact lens para naman hindi niya gamitin ang napakaking eyesglasses niya.

"Nakakakita naman ako pero para kasing may kulang pag tinangggal ko toh."

"Psh!" lumapit si Charlene kay Carmel at agad kinuha ang salamin, inihulog niya ito sa sahig at inapakan. Hindi naman nagalit si Carmel, ang bait naman kasi niya noh.

"Better." ngumiti ako ng napakalapad.

----------------------------

Third Person's POV

Pumasok na ang limang lalaki sa venue ng ball. Lahat ng babae ay nakatingin sa kanila, may sumisigaw pa.

"Fuck! hindi pa dumating yung apat na babae, diba dapat sila ang naghihintay saten?" sabi ni Mc James, minsan may pagkaserious side siya at minsan naman arrogante side.

Cassiopeia : University of MafiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon