Charlene's POV
Nagsign of the cross ako bago humiga ng tuluyan sa kama ko, kahit naman ganito ang ugali ko may takot pa naman ako sa Diyos.
9:30 pm na at kailangan ko ng matulog dahil maaga pa akong pasok bukas. Pinikit ko na yung mga mata ko nang..
"Kring..Kring.." kainis naman tong cellphone ko o! epal talaga, makabili nga ng bago bukas.
Kinuha ko yung cellphone na nakapatong sa side table at tiningnan ito.
Sino naman kutong lupa ang tumatawag saken?
Unregistered number pa, sasagutin ko ba?
"Hello?!" halata namang sinagot ko di ba?
Wala akong narinig sa kabilang linya kundi ingay, mukhang nagdidisco tong caller ah.
"Come here."rinig kong sabi nung, teka, lalaki siya. Halatang lasing na siya dahil sa tono ng pananalita niya at sa totoo lang pamilyar ang boses niya.
"Hoy! anong come here sinasabi mo huh! who you?! hindi kita kilala!"
"Please." parang nakosensiya nama ako sa sinabi niya, nag-please pa kasi eh kahinaan ko minsan yun.
"Hoy hindi kita kilala! babush!" binaba ko na yung telepono, malay ko ba kung sino yun.
Bago ako humiga ulit ay pumunta muna ako sa kusina para kumain, ako lang ang tao sa bahay, ewan ko ba kung saan-saan nalang nagliliparan ang pamilya ko.
Pagkatapos kong busugin ang sarili ko ay bumalik na ulit ako sa kwarto. Tulog na ang 37 naming body guards at 25 na maids na nandito sa bahay. Ewan ko ba kay daddy gusto niya na maraming nagbabantay sa bahay. At take note ha 316 cameras ang nakapaligid sa mansion namin, kulang nalang pati comfort room kabitan.
Praning din tong si Daddy eh.
Sakto namang pagpasok ay siyang pagtunog na naman ng cellphone ko. Tiningnan ko agad kung sino ang nagtext at unregistered number na naman.
Come outside.
Sino na namang adik ang nagtext saken at nang- uutos pa ha.
Nilagay nalang ulit ang cellphone, hindi ko nireplayan, bakit ko naman siya sasagutin, close ba kami?!
Tumunog na naman ulit, pumikit ako ng mariin dahil sa inis. Ano ba?! sino ka bang kutong lupang panay ang bulabog sa cellphone ko?!
Binasa ko nalang ulit, para akong tanga noh? naiinis ako pero binabasa ko pa rin. Eh paki nyo ba?
Please.
Anong please sinasabi nito?
In-off ko na yung cellphone para wala ng gulo sa pagtulog ko.'Tok..tok." napatalon naman ako sa gulat ng may kumatok sa pinto. Sino na naman toh? sa pagkakaalam ko wala sina daddy at mommy dito kaya siguradong hindi sila yan. Hindi din yan si Ronel dahil ang gagong yun hindi naman kumakatok pagpumapasok dito, walang manners, hindi alam ang meaning ng privacy.
"What?!" sigaw ko.
"May lalaki po sa labas na naghahanap sa inyo." sagot naman nung tao na nasa labas ng pinto.
"Sino?!" wait, di kaya yung nagtext saken ang tinutukoy niya?
"Hindi ko po kilala."
"Edi tanungin mo ang pangalan, pano kung kidnapper pala yan?!"
"Opo, sorry po."
"Wag na, lalabas nalang ako.Isturbo, kainis!" pinadyak ko ang paa at naglakad palabas.
BINABASA MO ANG
Cassiopeia : University of Mafias
HumorHighest Rank Achieved : #36 in Humor Cassiopeia University. If you thought that this is a university for normal students, then you are wrong. This university is full of mafias.