Chapter Five*

1.6K 35 4
                                    

Chapter Five*

PJ’s POV

Dressed something formal daw -__-

Anong gagawin ko e wala naman akong ganun na damit? Oo na, halos lahat ng damit ko e panlalaki pero wala talaga akong damit na barong. Puro pambabae ang casual clothes ko. Si kuya kasi, sinama lahat ng damit niyang pang-formal. Yun na lang sana gagamitin ko.

“Hoy, Itsura mo dyan sa salamin ah.” Puna ni Lola Ganda na kumakain na. Gutom na din ako kaso dun na daw kami kakain ng dinner sabi ni sir Sungit e.

“Lola, ano bang maganda? Eto o eto?” Turo ko sa dalawang pares ng shirt na hawak ko. Wala nga akong damit pangformal e.

“Yung Gray na lang. mas mabagay mo.” Sabi niya naman.

Napakamot ako. “Lola naman e. Black to. Hindi gray. Kelan pa naging gray ang black? Si lola naman e.” Inilapat ko sa katawan ko ang black shirt at tinignan sa salamin kung bagay ba sa akin. Bagay nga. Ehh. Lahat naman ng damit bagay sa akin e. Panglalaki man o pambabae. Iba na kasi pag walang boobs! Kainis.

“San ba kayo magdedate?”

“Lola, hindi po ako makikipagdate okay. Inutusan ako ng boss ko na sumama sa kaniya, welcome party daw sa kaibigan niya.” Sabi ko naman habang nagbibihis na. Ke nakikita ng lola ko ang katawan ko wapakels pa din ako. ABA, nakita niya na lahat sa akin nu. Siya kaya nag-alaga sa akin.

“Hindi pala kayo magdedate tapos para kang timang na nag-aalala sa itsura mo. Nakuu, bata ka. May gusto ka sa sir mo nu?” Ngiting-ngiti na tanong pa nito sa kaniya.

“Lola, sabi niya kasi dressed something formal daw.” Nang matapos akong magbihis ay tinignan ko ulit ang sarili sa salamin. Mukha naman akong pormal sa paningin ko. HEHE. “At saka lola, hindi ko siya type no, ang sungit sungit niya, tapos woman hater pa daw yun. NAKUU!” Sabi ko pa na parang nagpipigil.

Tumawa naman si Lola at sabay kaming napalingon nang marinig namin ang busina na yun. Epal naman ang nagbusina na yun. Akala mo naman may sunog -___-

Nagpaalam na ako kay Lola at lumabas na nang bahay. Nakita ko naman ang kotse kung san nakasakay ang walang expression na si Sir Sungit. ARGH! Kelan ba ako ngingitian nang isang to? Kahit ngisi lang, okay na. Hindi yung ganyan. Kakasira ng gabi.

Pumasok na ako sa kabilang side ng kotse. Alangan naman hintayin ko pa siyang magbukas ng pinto ng kotse e hindi naman yan gentleman. HMP.

“Pwede pakidalian magseatbelt. We’re late.” Sabi niya.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon