Chapter Thirty Eight*

1.6K 31 2
                                    

Chapter Thirty Eight*

PRECIE’s POV

“Tito Vic, ano okay lang ba ang lasa? Hindi po masyadong maalat?” Tanong ko kay Tito Vic. Nandito kasi kami ngayon sa mansyon nila. Pinagluluto ko siya ng adobo. Nasa Cebu ngayon si Xander dahil sa trabaho nito.

“Hmm.. Pwede na.”

“Talaga? Mas masarap na ba luto ko kay Kuya Ej?”

“Praktis pa iha.”

Nagpout ako. “Tito naman e.” Napapakamot pa ako. Hehe. Nagsasanay na kasi akong maging misis ni Cheesecake ko. Haha. Kahit na hindi pa siya nagpropropose.

“Haha. Okay na yan iha. Nagugutom na din ako e.”

“Sige po Tito. Ihahain ko na lang po. Wait niyo na lang po ako.” Sabi ko. Inayos ko na lahat ng mga nandoon, tinutulungan naman ako ng mga kasambahay.

Hayy. Wala kasi si Xander e. E di sana matitikman din niya ang adobo ko diba? Pero kailangan nitong umalis para sa future naming dalawa. Choss lang. Haha. Umalis ito kasi para makahabol sa kasal ni Kuya JM next week sa M island.

Ikakasal na ang kuya ko. Masaya ako para sa kaniya. Sana magkababy na sila, yung kasing cute ni Choco hehe.

Inihain na namin yung mga kanin, yung niluto kong adobo at saka yung gulay na niluto ng kusinera nila. Kaming dalawa lang ni Tito Vic ang nasa hapag kainan kaya niyaya ko na din yung mga kasambahay. Nag-aalangan pa nga sila kaya sinabi kong okay lang at saka payag naman si Tito e. Mas maganda ngang kumain pag madami kayo e.

“Iha kamusta naman ang daddy mo?” Tanong ni Tito Vic sa akin habang kumakain kami.

“Ayos naman po siya. Mas excited nga po siya ngayong ikakasal na si Kuya e. Pero sinasabi niya sa akin na huwag daw muna akong magpapakasal kay Xander.”

Tumawa naman si Tito, “Ganun talaga. Mag-iisang taon pa lang simula nang makasama ka niya kaya hindi ka pa pakakawalan nun.”

“Pero paano naman po ako magpapakasal kay Xander e hindi pa naman yun nagpropropose.”

“Haha. Magproprose din yun sayo. Pero hindi pwede ngayon, sukob.”

Napatawa na lang ako. At saka wala pa naman akong balak magpakasal e. Siguro pag mga one year from now pa. Lalasapin ko muna yung pagkakaroon ko ng pamilya at syempre ang pagkanta ko. Kasi pag kasal na kami, sabi ni Xander gusto niya sa bahay na lang ako.

Medyo seloso kasi siya e. May makipagkamay lang sa akin o may aakbay sa akin, nag-aalburuto na siya. Haha. Minsan nga, inaasar ko pa siya e. Mas seloso kasi siya kaysa sa akin pero kinikilig ako tuwing nagseselos siya haha.

After naming kumain, nagpaalam si Tito na pupunta sa study room kasi may aasikasuhin ito tungkol sa school nito. Kaya ako, eto tambay sa music room. Wala na ang mga pictures ni Pamela dito. Sinunog ko na! Mwahahaha!

Nag-i-strum lang ako ng gitara nang mapansin kong may mga bagong picture sa may cabinet. Syempre, dakila akong tsismosa kaya tinignan ko na. Hehe.

Hindi ko mapigilang ngumiti nang makitang mga pictures namin iyon ni Xander at stolen picture ko. Naku! Hindi ko alam na kinukuhanan niya pala ako ng picture ah. Sus. Ang lalaking yun oh. Para-paraan haha.

Napansin ko na parang may nakasulat doon sa isa kong picture. Binuksan ko ang cabinet at kinuha iyon. Sa lahat kasi ng pictures ko doon, iyon lang ang nakaframe. Binuksan ko ang frame at kinuha ang picture sa loob.

“This girl is the one who cured my broken heart,” Basa ko sa nakasulat doon, “I love her, more than I love myself. I do anything for her. I will even surrender myself to her if she wants to. There’s no such thing as true love and destiny, that’s what I thought before but she completely changed my way of life. If true love is true, then she is my fate. I love her so much more than anything in this world, my cheesecake, my life, my destiny.”

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon