Chapter Twenty Seven*

1.2K 36 3
                                    

Chapter Twenty Seven*

XANDER's POV
Kanina pa ako nababagot. Bakit ba kasi pumayag akong maging judge e. Sumasakit lang ulo ko sa kanila. Masyado silang wild tumugtog. Hindi yan ang image ng Love Cafe Bar.

Dapat yung mild lang. Okay lang din kung rock ang mga tinutugtog nila kaso huwag naman yung naghe-headbang sila at kung ano-ano ginagawa nila sa stage.

Meron pa din namang pumupunta dito sa bar para mapag-isa.

"Hayy. Kung tayo na lang kasi ang kumakanta diba?" Ungot ni Keith. Hindi nito kasama ang asawa nito kasi sinamahan nito si Andrei sa isang seminar.

"You know that can't be. We're too busy." Si Jm. Katatapos lang nitong itrain yung mga bagong pastry chef na inihire namin.

"Argh. Kaysa naman dun sa mga nag-o-audition. They're just too loud!" Reklamo na naman nito.

"I agree." Sabi ko naman. "This is a bar not a disco."

"But we can't do anything about it. Pwede naman natin silang kausapin. At isa pa, kailangan din nilang kantahin yung mga nirerequest ng customers." Si Jm.

Magsasalita pa sana ako kaso nakarinig na ako ng kalabog.

"Kuyaaaaaaaa!"

Argh. Here she comes.

"Precie?"

Agad nitong niyakap ang kapatid nito sabay halik sa pisngi pa.

Hindi ako naiinggit ah. Tsk! Bakit naman ako maiinggit? Tsss. Magkapatid sila kaya natural lang na close sila.

"Kuya, pwede ba akong matulog sa condo mo? For this night lang. Wala sila daddy e. Ang lungkot sa bahay." Puppy eyes na sabi nito.

"Saan sila pupunta?"

"Ewan. I didn't ask e. Please Kuya. Please. Hindi ako manggugulo."

Pinat naman ni Jm ang ulo nito at ngumiti. "Silly. Hindi ka panggulo. Sige."

"Yay! Thank you Kuya! I love you so much talaga!" Tapos niyakap niya ulit ito.

Heck! Bakit sobrang close ata nila? Tssssk! Oo na. Oo na. Magkapatid na sila! Whatever!

"Oh pare, bakit ang sama mo tumingin?" Biglang tanong niya sa akin.

"Ikaw ba tinitignan ko? Masyado ka namang assuming." Pagsusungit ko. Letse. Baka sabihin niya titig na titig pa ako sa kaniya.

"Sus." Tapos binalingan na ulit nito ang kapatid nito. "Sige Kuya alis na ako."

"Alis ka na agad Precie. Mamaya na." Si Keith.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon