Chapter Thirty Three*

1.2K 33 1
                                    

Chapter Thirty Three*

PRECIE's POV
"May pupuntahan ka?" Tanong ko agad kay Xander kasi tumayo na ito at nagre-ready nang umalis. Katatapos lang naming magmeryenda tapos aalis na siya? Ni hindi ko pa nga nasasabi yung pakay ko e.

"Sorry talaga Pare, I am badly needed at the site I'm currently working on." Paliwanag nito. Tingin pa ito ng tingin sa relo nito.

Hayy. Wala naman akong magagawa. Trabaho niya yan e. Alam ko namang importante yun. Siguro yun din yung tumawag sa kaniya kanina.

"Ahm mga anong oras ka matatapos?"

"Maybe five in the afternoon?"

Tumango-tango ako. Ala-una pa lang kasi. "Then punta ka sa park mamayang five. May sasabihin ako sayo."

Tumaas naman ang isang kilay nito. "Hindi mo ba pwedeng sabihin ngayon?"

"Nope. Haha. I'll wait for you there ah."

Ito naman ang tumango. "Sige. I gotta go na. Bye." At hinalikan niya pa ako sa pisngi bago ito umalis.

Napahawak pa ako sa pisngi ko. Yiee. Haha. Hindi ko talaga mapigilang mangiti e. Kinikilig kasi ako e.

Si Xander talaga ang true love ko. Nakakasigurado ako doon. Alam kong magiging happily ever after ang bagsak naming dalawa.

"Precie, wala na si Xander. Tama na ang pagngiti haha."

"Ay.. Kuya Andrei naman e." Reklamo ko. Haha. Nakangiti pa pala ako. Jusme. Head over heels in love ang peg ko.

Bumuntong hininga ito. "Hayy. Lahat na lang ng mga kaibigan ko inlove. Naiinggit ako." Sentimento nito habang kumakain na ng brownies.

"E mainlove ka na din kasi Kuya Andrei."

Tinignan niya ako ng malungkot. "Na-inlove na ako."

"Huh? Kanino?" Halla. Ang tsismosa ko talaga.

"Sa kababata ko."

Nanlaki ang mata ko. E kasi iisang babae lang naman ang kababata nila e. Si Ate Sandra lang. "Inlove ka kay Ate Sandra? Halla! Kuya Andrei naman kay Kuya Jm na yun."

Tinignan niya ako ng seryoso tapos biglang bumunghalit ng tawa. Litong nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit siya biglang tumawa e.

Halla. Nasiraan na ata ng bait si Kuya Andrei. Tawa na lang siya ng tawa.

"Ahm.. Kuya Andrei?" Baka kasi kung ano nang mangyari sa kaniya kakatawa. Mahirap na at baka masisi pa ako haha.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon