Chapter Seven*

1.7K 36 2
                                    

Chapter Seven*

XANDER’s POV

Another boring day at this house. Kailan ba ako huling pumunta sa bahay na to? Bakit nga ba kasi kailangan ko pang pumunta dito? Puro katulong lang naman ang nandito. Tss. Nakakadalawang araw na pala ako dito.

*Ring Ring Ring

Sinagot ko ang tawag.

“Yes Tito. I’m here at this shattered house.” Narinig kong tumawa ito sa kabilang linya. Nakakatawa ba yung pagdescribe ko sa bahay na to. Tss. “Kailan ka ba babalik dito Tito? Alam mo bang ako ang kinukulit ni Mrs. Maia.” Si Mrs. Maia ang namamahala ngayon sa Cordenas Private High School. Narinig kong tumawa ulit ito. “What? Tito naman. Hindi ko na maasikaso yan. Marami din akong nakasalang na projects this month at saka kailangan ko din asikasuhin ang isang branch ng love café.” Reklamo ko sa kaniya. Gusto kasi nitong pamahalaan ko muna ang School.

“Yes Tito. Just for the mean time okay?” Pagkatapos ay nagpaalam na ito.

I groan. Bale tatlo na ang trabaho ko. Grabe lang. Kailangan ko na ata ng personal assistant dahil daig ko pa ang president nang isang kompaniya sa dami nang nakatokang trabaho sa akin. Pero kung maghahanap naman ako, lalo lang akong kakapusin nang oras. Isa pa, ayoko nang babae.

Biglang napasok sa isipan ko si Pj.

Oo nga naman, Pwede ang baklang yun. Maasahan naman siya.

“Sir Xander?”

“Ah yes?”

“Totoo po bang ibebenta na ninyo tong bahay?”

“Ha?” Paano nila nalaman? Well. Pinag-iisipan ko pa naman.

“Sir huwag niyo na lang pong ibenta.” Nagsidatingan na din ang ibang mga katulong. “Mawawalan na kami nang trabaho at isa pa po, napamahal na din po sa amin ang bahay na to.”

Napakamot naman ako nang ulo. Wala na kasing gumagamit nang bahay na to kaya naisip kong ibenta na lang para naman may maitulong. Tutal, may sariling bahay naman si Tito at hindi ito titira dito pag bumalik na ito. At may sarili akong condo.

“Pag-iisipan ko.” Yun na lang ang sinabi ko sa kanila. Pwede ko namang kausapin na lang ang bibili nang bahay na iwan na din ang mga katulong dito sa halip na maghanap pa sila nang mga bagong katulong. Yeah, ganun na lang ang gagawin ko.

*Ring Ring Ring

Tinignan ko kung sino ang tumatawag. Baka si tito na naman.. Nagtaka naman ako nang makitang unregistered number ang nandun. Sinagot ko na lang ang tawag para malaman kung sino ang tumatawag.

“Siiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiir!”

Inilayo ko ang tenga ko sa cellphone ko. Ang sakit namang sigaw yun! Nawawala ba ako? TSS!

“ARGH! PJ WHAT THE HELL WAS THAT!? I’m not deaf!” Sigaw ko din nang inilapit ko na ang cellphone ko.

“Ay sorry sir. Haha. Excited lang.” Sabi nito na naiimagine ko nang tumatawa.

“Ano bang problema?” Tanong ko. Parang walang nangyari na away sa pagitan namin. Nang pumasok ito nang nagdaang araw ay ganun pa rin naman ito.

“Sir. Punta na po kayo dito sa love café. Nandito po sila Sir Ej at Sir Jm. Kailangan daw po kayo.”

Tss. Pwede naman nila akong tawagan! Bakit kailangan pang pumunta doon? Ano ba yan! “Sige. Pupunta na ako.”

“Sige Sir. Ingaaaat kayo! Whew!”

I-end ko na ang tawag.

Baliw na bakla yun! Pag wala sa harap ang mga barkada ko, first name basis ang tawag nito. Samantalang ako, ke may trabaho o wala. May sir pa rin! Tss. Mukha na ba akong matanda kaya laging may sir? Tss.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon