Chapter Twelve*

1.4K 30 6
                                    

Chapter Twelve*

 

PJ’s POV

Ilang araw ko na ding hindi pinapansin si SIR Xander. Nakakainis kasi siya e. Alam niyo yun? Nakakabanas siya! Ang sungit-sungit na nga niya, ang epal niya pa. Kainis! Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit siya naging kaibigan nila Ej e. Ang lalo ng pag-uugali nila.

Kung noon, siya ang hindi pumapansin sa akin.. Ngayon ako naman. Gantihan lang to Wahaha.

“Pj.”

“Ah. Ella. Bakit?”

Nandito ako sa main Love cafe e. Nandito kasi yung boss kong uber sa kasungitan.

“Gusto mong kumain? Meryenda tayo sa kusina. Halika dali.” Kinuha niya ang kamay ko kaya naman wala na akong panahon para tumanggi.

Nakarating kami sa kusina. Ang laking kusina pala to. Mas malaki to kaysa doon sa love cafe na pinagtratrabahuhan ko. May malaking dining table pa! wow!

Umupo na ako nang umupo si Ella. Katabi ko siya. Nandun din sila Keith, Andrei at Jm. Kunwari hindi ko nakikita tong kaharap ko kaya huwag na natin siyang banggitin.

“Wala si Ej?” Tanong ko.

“Wala e. Alam mo naman, nag-aalaga ng mga baby niya hehe.” Si Andrei ang sumagot.

“Mga baby niya? Isa lang naman ang baby niya diba?” Tanong ko ulit.

“He was referring to Chocola. Common sense naman.” Si Xander.

Tss. Sabatero. “May narinig ba kayo? Pakiramdam ko kasi may nagsalita e. Ah. Baka imagination ko lang. Kain na tayo.” Sabi ko. Nakita ko namang nagkatinginan yung apat at medyo natawa pa sila. Samantalang parang kakainin na ako ni Xander.

“Anong gusto mo? Brownies.. Chocolate cake..” Si Jm.

“Cheeze cake na lang sa akin. Favorite ko yun e.” Sabi ko. Napangiti naman si Jm at binigyan ako ng dalawang slice ng cheese cake. Agad ko namang kinuha yun, kumuha ng kutsara at kumain. Hmm. Ang sarap!

“Tss. Gaya-gaya.”

Napatingin ako sa kaharap ko.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon