Chapter Fourteen *

1.4K 31 8
                                    

Chapter Fourteen*

PJ's POV
Naku naman e. Kinakabahan talaga ako sobra. Hindi kasi ako nagpakita kay Sir Xander e. Alam kong inis na inis na naman sa akin yun dahil hindi talaga ako pumunta sa love cafe kahit pa sinabi niyang kailangan niya ako doon doon.

Ilang beses kaya siyang tumawag sa akin na halos malobat na yung phone ko kakaring. Nakakarindi na nga e. Ang kulit naman kasi, sinabi nang importante yung pupuntahan ko. Hindi siya nakaka-intindi.

Pero ang abnoy ko lang din kasi kinakabahan na ako ngayon. Baka kasi masisante ako. Argh!! Nagpaalam naman ako diba? Ang sabi pa nga niya ikakaltas niya yun sa sweldo ko e.

Napabuntong hininga naman ako. Kainis. Bakit ba ako natatakot? Ay malamang! Ang laki kaya ng sweldo ko sa kaniya tapos masesesante lang ako? Naku! Sayang din yun no!

"PJ?"

Natigil ang pagmumuni ko nang marinig ang boses na yun. Lumingon ako kaagad. Tama nga ang hula ko, si Chocola nga tapos dala niya yung super cute niyang baby na si Baby Choco John.

"Ikaw pala Miss Chocola." Bati ko naman. Magalang ako e. Nakatingin ako sa baby. Ang cute kasi talaga e. Kamukha niya si Chocola pero yung mata at yung lips niya, manang-mana sa daddy niya.

"Bakit nandito ka sa labas ng office ni Xander?" Nakangiti nitong tanong. Ang ganda niya talaga. Kakapanganak niya pa lang pero ang ganda niya pa din tapos ang sexy niya pa. Kadalasan kasi sa mga nanganganak e nagbabago yung itsura e. Haha. Ganun kasi sa lugar namin. Iba pa din talaga ang mayayaman.

"E papasok na nga po ako. Kayo po, anong ginagawa niyo dito at kasama niyo pa si Baby Cj?" Hehe. Ang cute talaga ni baby! Gusto ko siyang buhatin pero nakakahiya kasi.

"Ah. Kami naman, namamasyal lang hehe. Ang gala na nang batang to kahit ilang linggo pa lang siya." Sabi nito sabay hawak doon sa maliit na daliri ni baby Cj.

"Hehe." Yun lang ang nasabi ko at ako na ang nagbukas ng pinto. Sabay na kaming pumasok. Tapos nakita kong nandoon pala si Sir Ej at mukhang nag-uusap sila ng seryoso ni Xander.

"Oh mahal! Anong ginagawa niyo dito? Sinama mo pa si Baby. Mamaya nyan napano laying dalawa e." Si Ej na agad pumunta sa misis niyo saka kinuha si Baby Cj.

Oh diba? Napakasweet lang ni Ej! Grabe. Ang swerte talaga ni Chocola.

Napatingin ako kay Xander na nakatingin din pala sa akin. Tapos yung titig niya, Alam mo yung nangangain ng tao? Naku! Baka nga kasi kailangan niya talaga ako kahapon tapos hindi ko siya pinuntahan! Naku! Nakokosensya na talaga ako. Promise!

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon