Chapter Thirty Four*

1.2K 30 4
                                    

Chapter Thirty Four*

XANDER's POV
Pasipol-sipol pa ako habang nagluluto ng almusal. Kailan ba ng huling nagluto ako para sa sarili ko? Haha. Nakikikain lang kasi ako e o kaya bumibili na lang sa Love Cafe Diner o dun na mismo kakain.

I feel so alive.

Syempre, finally kami na ni Precie. Officially. Hindi na lang kami magkaibigan kundi magka-ibigan na. Haha. Ayan, ang korni ko na pero okay lang. Ako lang naman ang nakaka-alam e haha.

Hmm. Ano kayang pwede kong iregalo kay Precie? Isang linggo na din kasi kami e. Flowers? Chocolates? Teddy bears? Hindi naman ata siya mahilig sa mga yun e.

Hmm.. Gitara kaya? Noong pumunta kami ng mall, gusto niyang bumili ng gitara kaso hindi pa daw kaya ng budget niya. Bilhin ko kaya yun?

Hmm. Bibilhin ko mamaya. Isu-surprise ko siya. Alam ko namang matutuwa yun e.

"Jeez. Lahat na lang ba ng pupuntahan kong bahay may nakakalokong ngiti sa mukha?"

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Andrei na naka-upo na sa isang stool. Masyado akong nag-iisip, ni hindi ko namalayan ang pagpasok niya.

"Ouch Pre! Ganyan naman kayo e. Nagkalove life lang kayo hindi niyo na ako pinapansin." Sabi nito na tipong nagdradrama pa.

Tinignan ko lang siya na para bang walang pakialam.

"Hayy. Grabe kayo." Himutok pa nito.

"Ikakasal ka na din naman diba?" Sabi ko. Pinatay ko na ang electric stove ko. Hinain ang niluto ko at kumuha ng dalawang plato, alam ko namang makikikain ang isang ito e.

"It's not like it was the same happily marriage you know. That girl doesn't even love me." Nagsandok na ito ng kanin.

"Then why don't you make her fall for you? At isa pa, kailan ba namin makikilala ang mysterious fiance mo?" Sixteen pa lang kasi siya ng ma-engage ito sa hindi namin kilalang babae. Hindi na kami nagtanong dahil gusto namin na siya mismo ang magsasabi sa amin.

"Soon. Anyway, why are you acting like some stupid man while cooking?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Tawagin daw ba akong stupid. Sus. He sure have know how to change the topic. Tssk.

"Masama bang mag-enjoy habang nagluluto?"

"Tssk. Oo na. Inlove ka na. Idedeny mo pa e. Hayy."

"Kumain ka na nga lang dyan." Nagsimula na din akong kumain. Tumahimik naman ito at nagsimula na ding kumain.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na ito. Pupunta pa kasi ito sa Love Cafe. Mamaya pa ako pupunta doon tutal maaga pa naman.

May gig mamaya sila Precie sa bar. Maririnig ko na naman ang boses niya. I am really captivated by her voice. Hindi ko naman kasi talaga akalain na siya pala at si Joy iisa. Hayy. Ang liit nga naman ng mundo.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon