Chapter Thirty Two*

1.2K 30 1
                                    

Chapter Thirty Two*

PRECIE's POV
"Kuya? Okay na ba ito? Hindi ba masyadong O.A?" Tanong ko kay Kuya Jm sa ginagawa kong cheese cake.

Ang dami ko kasing nilagay na decorations doon kahit na hindi naman kailangan. Na-excite ako masyado e. Syempre, ibibigay ko kay Xander.

"Precie, why so excited?" Tanong naman ni Kuya Ej.

"Oo nga at saka ang dami mong nilagay na kung ano-ano dyan sa cake." Si Kuya Jm.

Nginitian ko sila ng pagkatamis-tamis. "Magiging kami na kasi ni Xander mamaya. Hehe. Officially!" May halong excitement ko pang sabi.

Pinag-isipan ko talaga itong mabuti. Sa totoo lang, noong nagdate kami kahapon, sasabihin ko na sana na maging kami na kaso masyado akong nawili kasama siya at hindi ko na nasabi.

"Are you sure?" Sabay nilang tanong.

"Oo, mga kuya's. E kasi naman, mahal naman namin yung isa't isa tapos pinapatagal pa namin so I've decided na tapusin na yung pagiging magkaibigan namin."

Nagkatinginan silang dalawa na para bang hindi nagustuhan yung sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?

"Maybe you should think about it more carefully." Sabi ni Kuya Jm.

"Yeah, ahm what about two more months?" Sabi naman ni Kuya Ej.

Kinunutan ko sila ng noo. Salubong na din ata ang mga kilay ko. Hindi ko kasi akalain na maririnig ko sa kanila yung mga sinabi nila.

"Precie baby," Inakbayan ako ni Kuya Ej."We're not telling  you that this a bad idea but you should learn more about him."

Inakbayan din ako ni Kuya Jm. "Kababalik mo lang dito noong isang buwan, alam ko may nakaraan na kayo ni Xander pero hindi niyo pa talaga gaanong kilala yung isa't isa. Give it some more time."

"Pero mga kuya.."

"And besides, you're still our baby. Baka pag naging kayo na ni Xander, magpakasal na agad kayo." Si Kuya Jm na niyakap pa ako.

"Oo nga. Huwag muna. Bata ka pa." Si Kuya Ej na niyakap na din ako.

Napailing na lang ako pero napapangiti. Sus. Ayaw lang pala nila akong mawalay sa kanila e kaya ganito haha. Ang sweet talaga ng mga kuya ko grabe.

"At saka mas maganda nang magkaibigan na muna kayo, less hassle."

"Pero Kuya Jm, gusto ko din naman na tawagin siyang boyfriend ko. Oo may usapan kami pero wala pa din akong karapatan sa kaniya e.."

Promise lang naman yung pinanghahawakan ko e. At saka tama na siguro yung mahigit isang buwan na nagkasama kami, kilala na namin yung isa't isa.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon