Chapter Sixteen*

1.4K 36 6
                                    

Chapter Sixteen*

XANDER’s POV

Binabasa ko ngayon ang inventory nang Love cafe. At nagugustuhan ko ang nakikita ko. Kumikita na kasi talaga ang branch na to. Pwede ko na siyang ipaubaya sa manager. Isang buwan pa lang at kalahati akong nandito pero mukhang kailangan ko na siyang iwan. May trabaho din naman kasi ako bukod dito. At isa pa, meron pa akong private school na pinapatakbo. Yung Tito ko kasi, mukhang nagliliwaliw pa!

Nilibot ko nang tingin ang office ko. Mukhang matagal-tagal ko itong hindi makikita. Sa main love cafe na kasi ako mananatili simula bukas. Pero papasyal naman ako dito sa libreng oras ko.

“Ang lalim naman ng iniisip mo.”

Bigla akong napatayo dahil sa gulat. Nagulat talaga ako dahil bigla na lang siyang lumitaw sa kung saan. Ang lalim pa naman ng iniisip ko tapos bigla siyang magsasalita nang ganun. Sinong hindi magugulat diba?

“Nagulat ba kita?”

Napa-face palm ako. “Sa itsura kong to Pj, hindi ako nagulat sa ginawa mo.” I’ve sarcastically said. Kailangan pa bang tanungin yun e halata naman sa mukha kong nagulat ako. Napatayo pa nga ako e. Tss. Walang common sense tong baklang to!

“Oh bakit galit ka?” Medyo malungkot nitong sabi.

Napatingin naman ako sa kaniya. Nakapout ito at parang iiyak na.

Napalunok ako. Tss, “Hoy. Itsura mo. Para kang bata!”

“Eh? Hindi nga? Hehe.” Tapos nginitian niya ako kaya napangiti na din ako.

Ewan ko ba kung bakit hindi ko magawang mainis o magalit sa kaniya ng matagal. Kahit nga naiinis na ako sa kaniya o nagagalit, bigla na lang nawawala yun pag nginingitian niya na ako. Ano ba talagang nangyayari sa akin? Hindi ko na maintindihan ang sarili ko pagdating sa bagay na to.

“Sa totoo lang pare, mas bagay sayong nakangiti.” Biglang sabi niya na ikinahinto nang mundo ko. Muli, napalunok na lang ako.

“A-anong bang sina.. sinasabi mo?” Ngayon naman para akong tangang nauutal sa harapan niya. Sa harap ng isang bakla!? What the hell!

“Hmm. E kasi tuwing nakikita kita lagi ka na lang nakasimangot o kaya lagi ka na lang nakakunot ang noo o kaya lagi ka na lang parang galit sa mundo. Hindi mo gayahin si Ej, laging nakangiti—“

“Syempre, nandyan si Chocola na nagpapangiti sa kaniya.” Singit ko sa pagsasalita niya.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon