Chapter Thirteen*

1.4K 27 13
                                    

Chapter Thirteen*

XANDER’s POV

Natampal ko ang noo ko. Ano ba yung ginawa ko kahapon? Bakit ko sinabi sa kaniya yung mga yun? Bakit ko kwinento sa kaniya yun? Nasisiraan na ba talaga ako ng bait? Aish!

“Beer?” Si Keith na basta na lang pumasok sa condo ko. May hawak itong dalawang beer.

“Tss. Umalis ka nga dito.” Pagtataboy ko sa kaniya.

“Ayoko nga. Wala akong kasama e. Wala si Ella. Busy sa pag-aasikaso ng kasal namin. Alam mo naman, malapit na. Malapit na akong matali. Wahaha.” At prenteng umupo ito sa sofa.

Napatingin ako sa kaniya. “Hindi ka kaya magsisi sa gagawin mong desisyon?”

Umiling ito saka ngumiti. “Hindi. Kahit na anong mangyari sa amin, magsawa man kami sa isa’t isa, mag-away man kami, or maghiwalay man kami balang araw.. Hindi ko pa rin pagsisisihan na niyaya ko siyang pakasalan. Ganun din siguro yung nararamdaman ni Ej ngayon.”

“Aish. Nasan na si Keith? Bakit parang ibang tao ang kausap ko ngayon?”

“Ulol! Ako pa rin to. Nagmatured lang ng unti. Hahaha. Beer?”

Napa-iling na lang ako at kinuha ang beer na inaabot niya. Binuksan ko iyon at lumagok.

“Bakit hindi ka magmahal ulit Xander.” Maya-maya ay sabi nito. Tinignan ko siya at bakas sa mukha nito ang pagiging seryoso.

“Gustuhin ko man, wala akong makitang katulad ni Chocola na sobrang maalaga o kaya katulad ni Ella na sobrang bait. Ang swerte niyong dalawa ni Ej, nakakita kayo ng babaeng nagmamahal sa inyo ng totoo.” Hindi ko maiwasang maiinggit. Mabuti pa sila. Tatandang may kasama. Ako? Wala. Tatanda na ata akong binata.

“Baliw. Paano ka makakakita e lagi kang nakapikit?”

“Ano?” Nakakunot na ang noo ko. Hindi ko naintindihan yung sinabi niya e. Paanong nakapikit? Hindi naman ako pumipikit pag may nakikita akong babae ah? Ang gulo naman ng lalaking ito.

“Tss.” Lumagok muna ito bago nagsalita. “Ang ibig kong sabihin, open your heart then you will see the one.”

“Paano kung maling tao yung makita ko?”

“E di move on. Tapos try ulit. Pag mali na naman, move on then try ulit. Hindi naman porket nasaktan ka, titigil ka na. Parang hindi pa tapos ang laban, sumuko ka na kaagad.”

“Bakit pakiramdam ko si Pj ang nandito at hindi ikaw?” Hinawakan ko ang braso ko. “Goosebumps.”

Binatukan niya ako.

“Aray. Nakakasakit ka na!” Binatukan ko din siya.

“Tch. Pag nakita ni Ella na binatukan mo ako, lagot ka dun!” Pananakot pa nito.

“Ewan ko sayo.”

“Hahaha. I guess I must congratulate Pj.”

“At bakit naman?” Naubos ko na yung beer. Ang bilis ko talaga uminom. Nilagay ko iyon sa lamesa.

“Kasi nakakaya ka niyang awayin. HAHA. Para sa isang personal assistant na gaya niya, ang lakas ng loob niya para awayin ka. Pero tama naman siya sa lahat ng sinabi niya, ang sungit-sungit mo. HAHAHA.”

Sarap sipain ng lalaking to palabas ng condo ko. Tama nga naman siya, ngayon lang ako nakakita ng personal assistant na lumalaban sa boss niya. Well, ganun talaga siya e. Bakla nga naman kasi. Ano pa nga ba ang aasahan mo sa mga bakla diba? Syempre ganun talaga sila. Pero iba talaga tong baklang to e. Tss.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon