Chapter Two: *The New Waiter*

2.3K 42 6
                                    

Chapter Two: *The New Waiter*

XANDER’s POV

Ayos dito. Ayos dyan. Napapagod na ako. Inaayos kasi namin tong bagong tayong branch nang Love café e. At ako ang mag-aasikaso nito sa ngayon habang hindi pa kami nakakahanap ng matinong manager na pwedeng mag-asikaso nang Love Café. Syempre, hindi ko naman pwedeng bantayan ito habang buhay dahil may sarili pa rin akong trabaho.

Si Jm nga babalik na nang pilipinas dahil nakakita na siya nang manager pero Pilipino naman ang nakuha niya kaya okay na ang lahat. By two weeks time, nandito na siya ulit sa pilipinas.

“Sir? San po ito ilalagay?”

Tinignan ko si Totoy este si PJ habang buhat buhat ang isang upuan. Napakunot ang noo ko sa kaniya. Kanina ko pa kasi siya nakikita at pangatlong upuan niya palang iyon. Samantalang ang iba ay nakaka-sampung upuan na ata, may kasama pang lamesa.

Hayy. Mapayat kasi ito at maliit sa pangkaraniwang lalaki. At mukhang hindi siya sanay sa gawaing panlalaki. Ano bang gagawin ko sa baguhan na to?

“Sir?”

“Sa may diner yan. Pagkatapos mo dyan, kunin mo yung mga kahon sa Van. Naglalaman yung ng mga wine kaya mag-ingat ka.”

“Yes Sir!” Sumaludo pa ito sa kaniya. Pagkatapos ay nagmartsa na palabas.

Itsineck ko ang mga pinasok nilang kagamitan sa loob. Kailangan kasi iyon para sa pag-iimbentaryo mamaya. Sapat na budget lang kasi an gang meron kami kaya dapat maayos ang lahat. Walang kulang pero wala ding sobra.

Tapos ko nang bilangin ang mga upuan, lamesa at kung ano-ano pa. Susunod naman ang mga wine. Asan na nga pala ang mga wine?

“Siiiiir!” humahangos ang isang trabahante sa akin. Medyo natatakot na nag-aalala ang mukha nito at kinakabahan ako sa pwede niyang sabihin.

“Ano yun? May problema ba??”

Hindi ito nagsalita bagkus itinuro ang labas. Lumabas naman ako para malaman kung anong nangyari. Nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang tinutukoy nung trabahante. Si Pj, nakatayo na parang iiyak at ang kahon na nasa semento. Basa na iyon at may lumalabas pang likido ng alak mula sa loob.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon