Chapter Thirty One*

1.4K 31 2
                                    

Chapter Thirty One*

XANDER's POV
Sinipat sipat ko ang sarili ko sa salamin. Okay na ba itong ayos ko? Naka-blue shirt at dickies pants ako.

Niyaya ako ni Precie na pumunta ng mall.

Date daw kami.

Haha. Natawa nga ako kasi siya pa nagyaya sa akin samantalang ako yung lalaki pero sa ginawa niyang yun, kinilig ako. Nakakahiya mang aminin pero tuwang-tuwa talaga ako.

"Dude. Gwapo ka na. Tama na yan."

Inis kong tinignan si Jm.

"Oo nga naman Xander, baka mauna pa niyan si Precie sa tagal mong mag-ayos." Panggagatong pa ni Sandra. Actually, galing itong dalawang ito sa Mall. Nagshopping date daw.

"Ewan ko sa inyong dalawa." Naglakad na ako palayo sa kanila habang hawak-hawak ang susi ko. "Pakilock ang bahay ko ah. Salamat."

Nagdrive na ako papunta sa Mall kung saan kami magkikita ni Precie. Nasa isang fast food chain daw ito, tinext nito kanina kaya doon ako dumeretso.

Nilinga-linga ko ang mata ko. Hinahanap si Precie. Akala ko ba nasa fast food chain siya? E bakit wala siya dito? Tinext niya ako na nandito na siya e.

Umupo na lang muna ako. Baka umalis lang siya saglit.

"Hi?"

Iniangat ko agad ang tingin ko. Baka kasi si Precie na iyon pero hindi pala. Isang babaeng hindi ko kilala ang nasa harap ko at nakangiti pa.

"Mag-isa ka lang?" Tanong nito.

"May nakikita ka bang kasama ko?" Grabe. Wala bang common sense ang isang ito?

"May hinihintay ka?"

Tinignan ko siya ng matalim. Hindi ba siya nakaka-intindi na ayaw kong kinakausap ako? Kailangan bang sabihin ko pa sa kaniya ng harapan?

"Please Miss. I am not interested in you so can you just leave me alone?"

Pero hindi niya talaga ata naintindihan ang sinabi ko kasi ngumiti pa ito.

"I like you already. Ganitong-ganito ang mga tipo ko sa lalaki. Tipong hard to get pero sa huli.." Idinampi nito ang daliri nito sa braso ko. "Lalapit at lalapit din naman sila."

Tinanggal ko ang daliri niya sa kamay ko.

"Miss, hindi ako hard to get, sadyang hindi lang kita gusto. At wala akong oras para sayo." Tinignan ko siya sa mata. "Get lost, will you?" Ayaw ko ng mga ganitong eksena e. Tipong nagsusungit na nga ako tapos hindi niya pa din gets. Nakaka-asar lang ang mga ganitong tao.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon