Chapter Nineteen*

1.3K 33 8
                                    

Chapter Nineteen*

XANDER’s POV

Ilang araw nang hindi pumapasok si Pj. Nagtataka man ang mga kasama ko pero hindi nila ako tinatanong. Kung sakaling magtanong sila, hindi ko din naman sila sasagutin dahil hindi ko din alam ang isasagot ko.

Ilang araw na ding magulo ang isip ko dahil sa baklang yun! Tss. Bakit kasi naging bakla pa siya? Bakit hindi na lang siya naging tunay na babae para hindi na ako nagkakaproblema?

Nagdadalawang isip tuloy ako kung pupuntahan ko siya sa bahay niya o hahayaan ko na lang siya hanggang sa tuluyan na siyang hindi pumasok dito sa love cafe. Hahayaan ko na nga lang ba siya? UGH! Nakakahilo nang mag-isip! Mas mahirap pa 'to sa mga math problems na sinagutan ko noong college ako.

Napabuntong hininga ako.

Daig ko pa ang isang duwag sa ginagawa ko. Bakit kasi ang hirap aminin na bakla nga ako? I’m in love with a man so I’m gay right? Now I know why some gays don’t want to revealed that they are gays. Wait? Seriously? I’m gay!? Ibig sabihin kaya ayaw ko sa mga babae kasi bakla talaga ako?

Hindi. I’m straight!

It’s just that my heart falls in love with a man.

ARGH! I’m gay!

“Okay lang ba si Xander? Kanina pa siya paikot-ikot e. Ako ang nahihilo sa kaniya e.”

“Don’t look at her Ella. Mahihilo ka lang talaga. Sa akin ka na lang tumingin, kikiligin ka pa.”

“Ewan ko sa'yo Kieth!”

“Ni hindi niya pa nga ginagalaw yung cheese cake niya oh. Pinabake niya ako tapos hindi niya din naman kakainin.”

“That’s new Jm. May problema ba siya?”

“I don’t know Andrei.”

“Hmm. I guess, si Pj ang problema niya.”

Napalingon ako sa kanilang lima. Actully, dinig na dinig ko ang mga pinagsasabi nila kaso hindi ko lang pinapansin pero kusa na lang lumingon ang ulo ko nang marinig ko ang pangalan ni Pj. Tss. I’m now under his spell. ARGH! That gay was a witch. Kinulam niya ako -____-

“Xander’s glaring at us.” Sabi ni Andrei.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon