Chapter Seventeen*

1.3K 36 12
                                    

Chapter Seventeen*

PJ’s POV

Simula ngayon dito na ako sa Main papasok. Yiee. Yung idea pa lang na dito na ako magtratrabaho kinikilig na ako e. What’s more kung nakatapak na ako sa mismong love cafe na ‘to? Baka magsisisigaw na ako sa tuwa! Sa wakas! Eto na yung pangarap ko. Ang makapagtrabaho dito. HAHA.

“Iha?”

Napalingon ako. Nandito kasi ako sa tapat ng back door ng Love Cafe. Hindi pa ako pumapasok kasi nga na-e-excite pa ako.

“Okay ka lang ba iha?” Sabi nang matandang lalaking yun. Hindi pa naman siya matanda. Matikas pa nga ang pangangatawan niya. Hindi ako nakapagsalita dahil tinititigan ko lang ang mukha niya.

“Dad? You’re here. Oh Pj, nandito ka din.” Sabay kaming napalingon sa lalaking naglalakad palapit sa amin.

“Jm. Napadaan lang ako.”

“Nang ganito kaaga Dad? It was just still six in the morning?” Sabi ni Jm, ngumiti lang ang matanda saka may inabot ditong malaking lunch box.

“Dad? Ano to?” Si Jm na inamoy-amoy yung lunch box.

“Baka kasi nagsasawa na kayo sa luto ni Ej kaya ayan nagluto ako para sa inyo. Madami yan kaya kakasya yan sa inyong lahat.” Sabi nito at maya-maya ay tumingin sa akin. “Jm, sino naman ang magandang bata na ito?”

Maganda ako?

Napatingin ako sa kaniya ulit. Hindi ko aakalain na pupurihin niya ako.

“Dad, lalaki siya. But I do think he’s beautiful.” Sabi naman ni Jm na nakangiting nakatunghay sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na ngumiti sa mga papuri nila. Pero hindi dapat nila malaman na babae talaga ako.

Mukha naman itong nagulat sa sinabi ni Jm.

“Ahm Sir.. I’m gay but t-thanks for the com..compliment.” Medyo nanginginig pa ang boses ko nang sabihin iyon.

“Ah. Sorry about that ahm Pj right? You look like someone I know so I thought you’re a girl. Hehe. Pagpasensyahan mo na ako. Tumatanda na kasi.” Humarap na muli ito kay Jm. “Ikaw na ang bahala dyan ha Pj. Uuwi na ako at baka nag-aalala na ang mommy mo.”

“Sige dad. Take care okay.” Tinapik lang ng matanda si Jm saka ito umalis.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon