Chapter Twenty Two*

1.4K 30 4
                                    

ChapterTwentyTwo*

PJ's POV

Ang saya saya ko. Eto pala yung feeling ng nagmamahal at minamahal. Ang sarap sa pakiramdam.. Mas sasaya sana kung kaya ko nang magtapat sa kaniya, yung totoong ako.

Ayoko na kasi ng ganito. Yung nagtatago ako sa kaniya. Nagi-guilty na ako. Pero kaya ko bang magtapat sa kaniya? Kaya ko bang sabihin sa kaniya kung bakit kailangan kong itago ang totoo?

Argh! Ang hirap mag-isip!

"Pj?"

"Ay mamaw!!" Gulat kong sabi. Gigil akong napatingin sa tumawag sa akin, bwebweltahan ko na sana ng mga salita pero agad ding napatigil nang makita ko kung sino iyon..

"Ah, kayo po pala.." Si Mr. John Andres. Anong gjnagawa niya dito?

"You're really to cute Pj. Somehow, you really remind me of her.." Malungkot itong ngumiti.

"Sino po ba yun?" Tanong ko naman. Ang lakas ng kabog ng puso ko.

"Hmm.. Its really private.."

"Ah, hehe." Napakamot na lang ako.

"Dad? Anong gjnagawa mo dito?" Si JM iyon na nakasuot pa ng apron. Galing itong kusina.

"Hi son. Gusto ko lang maka-usap si Pj."

"Huh? Ako po?" Sabay turo ko sa sarili ko.

"Dad.. He's not her okay." Sabi ni JM na may lungkot.

Nakakunot na ang noo ko dahil hindi ko nagets. Sino ba ang tinutukoy nila?

"Alam ko naman yun.." Tumingin sa akin si Mr. Andres. "Pasensya ka na sa matandang katulad ko Pj.."

Ngumiti na lang ako. Napa-iling na lang si Jm bago bumalik sa kusina. Naiwan kami ni Mr. Andres at nakipagkwentuhan pa ako sa kaniya. Masaya siyang kakwentuhan, hindi ito nahihiya sa akin habang kwinekwento nito ang mga nangyari dito habang nag-aaral palang itong magluto.

Masaya akong nakinig at masaya itong nagkwento kaya hindi na namin namalayan ang oras.

"Dad? You're still here? Akala ko umalis na kayo kanina?" Si Jm na naka-porma na. Mukhang aalis ito. Kasama nito si Keith na sa susunod na araw ay ikakasal na kay Ella.

"Ah, hindi ko napansin ang oras, napasarap ang kwentuhan namin ni Pj hehe." Ngumiti ito ng natural, walang kasamang lungkot kundi saya lang. "Ah oo nga pala Keith, Gusto kang kausapin ng Tita Mila mo, It's about your cake."

"Ah Oo nga pala Tito. I forgot. May usapan nga pala kami ni Tita.."

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon