Chapter Twenty Eight*

1.3K 37 8
                                    

Chapter Twenty Eight*

PRECIE's POV

Napapataas na talaga ang kilay ko. Gustong-gusto ko nang manapok kaso pinipigilan lang ako ni Ron.

"Move you're equipment here." Utos niya.

Aba! Sino pa ba e di si Xander! Mantakin niyo ba namang utos-utusan niya kami! Hello? Pumunta kami dito para magpraktis kasi nga tutugtog kami dito, hindi para utus-utusan niya.

"Dito po ba sir?" Tanong ni Glem. Siya yung drummer namin. Inaayos niya yung drums set.

"'Yan igitna mo pa ng konti. Wait, iharap mo ng kunti."

Napapakamot na si Glem. Tinulungan na nga ito ni Mik-Mik e. Yung bass guitarist namin.

"Okay na po ba sir?" Tanong ulit ni Glem.

"Parang may mali e. Can all of you get on the stage." Utos nito na nilingon pa kami ni Ron dahil nasa baba kami.

Inis naman akong umakyat. Pumunta ako sa gitna kasi doon naman talaga ako. Ako kakanta e. Nasa likod ko si Glem at nasa sides ko sila Ron at Mik-Mik.

Napapitik pa si Xander sa kamay. "I knew it. Glem move you're drums to the right side. Konti lang. Hindi ka kasi makikita e. Dapat lahat kayo nakikita pag nagpeperform kayo."

Napanganga na ako. Hindi ko namatake! Argh! Yung inis ko 1000 percent na! Sukdulan na!

"Seriously! E kanina nakaayos na yun doon! Pinalipat mo sa kaliwa tapos sa gitna tapos ibabalik mo din pala sa dati!" Sigaw ko.

Tinitignan na kami ng mga waiter na nag-aayos na nang upuan. Mamaya kasi mag-o-open na yung bar tapos hindi pa kami nakakapagpractice dahil sa baliw na nasa harap ko.

Nagcrossed arms ito at tinignan pa ako ng seryoso. "So? Are you defying me?"

Naningkit ang mata ko. Akala mo kung sino siya! Tae siya! Mukha siyang tae sa paningin ko kahit ang gwapo niya! Tae talaga.

"Or are you gonna whine to your brothers about me?" Tapos ngumiti pa ito.

Tae! Huwag kang ngumiti! Argh!

"Joy.." Tawag ni Ron. "Yaan mo na. Practice na lang tayo." Sabi naman nito pero tinignan niya ako ng makahulugang tingin.

Kainis. Alam na alam ni Ron lahat ng nangyayari sa akin. Syempre, kakambal ko yan e. Kakambal ko sa lalokohan.

"Fine." Tinignan ko si Xander. "Hoy, wala ka bang trabaho at dito ka namemeste? Magprapractice na kami kaya pwedeng lumayas ka na?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

Kita mo yan! Mas magaling pang magtaray sa akin! Argh! Naiinis talaga ako.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon