Chapter Eleven*

1.4K 52 5
                                    

Chapter Eleven*

XANDER’s POV

“Gaya nga ng sabi ko, tanga ka. You’re the stupidest man I’ve known!”

“Gaya nga ng sabi ko, tanga ka. You’re the stupidest man I’ve known!”

“Gaya nga ng sabi ko, tanga ka. You’re the stupidest man I’ve known!”

ARGH! Parang sirang plaka na! Paulit-ulit na lang yan sa isipan ko. Am I really stupid that I don’t believe in true love and such? Pero takte lang talaga. Kasalanan ko ba na ayaw nang maniwala netong puso ko na may pag-asa pa akong magkaroon ng happy ending kung nung una pa lang, hindi na matupad-tupad yun?

“Gaya nga ng sabi ko, tanga ka. You’re the stupidest man I’ve known!”

Oo, inaamin ko na minsan naiinggit ako sa mga kaibigan ko dahil natagpuan na nila yung true happiness nila. Pero minsan lang yun. Mas naiisip ko kasi na hindi talaga ako magkakaroon ng happy ending. Umasa na ako noon. Maraming beses na nga. Aasa ba naman ako uli tapos ano? Masasaktan na naman ako. Iiwan na naman ako.

“Gaya nga ng sabi ko, tanga ka. You’re the stupidest man I’ve known!”

Kung bakit naman kasi ginawa pa yang love-love na yan! Hindi ba pwedeng wala na lang yan? Para wala na ring nasasaktan at naiiwanan. Tss. Sino ba kasi nagpauso niyan at ipapa-salvage ko na! Takte! Dahil sa kaniya ang daming tanga ngayon. Nang dahil sa kaniya ang daming baliw ngayon. Dahil sa kaniya ang daming sawi at bigo ngayon. At dahil din sa kaniya nasasaktan ako ngayon.

“Gaya nga ng sabi ko, tanga ka. You’re the stupidest man I’ve known!”

AY LINTIK NA YAN! PAULIT-ULIT NA TALAGA! TSS! Buset na yan! Paano ko ba to aalisin sa utak ko? Peste naman! Panira ng buhay e.

“Gaya nga ng sabi ko, tanga ka—“

 “Hoy! Mukha mo! Masyadong seryoso. Anubayan! Walang pinagbago!”

Tinignan ko nang masama si Andrei. Andito pala siya. Pupunta-punta dito sa pwesto ko tapos magrereklamo. Nandito kami sa branch ng love cafe na hinahawakan ko. Sa Bar to be exact. Mamaya pa naman to magbubukas dahil maaga pa lang.

Pero lihim na rin akong nagpapasalamat at tinawag niya ako kundi patuloy na magple-play back sa utak ko yung linyang yun.

Napatingin na naman ako kay Andrei. Tss. Bakit ba nandito tong lalaking to e sa pagkakaalam ko busy to e. Alam niyo namang palawak ng palawak ang love cafe.

“O alam ko na ang iniisip mo. HAHA. I’m here because I’m bored. Wala akong mapagtripan. Si Ej, masyadong busy sa dalawa niyang baby.” Si Chocola at si baby Choco ang sinasabi nito. “Si Jm naman, ayun at nambababae. Kainis nga e. hindi man lang ako niyaya.” Nakabusangot niya pang sabi. Tss. Basta talaga babae. Tss. Buti na lang nagbago na si Keith at hindi na siya nambababae. Under ba naman ni Ella e. “Si Keith naman inaayos na yung mga kailangan sa kasal nila ni Ella. Masyadong excited kahit na malayo pa naman.”

“O tapos? Tapos ka nang magdrama? Lumayas ka na.” Sabi ko. Dami ko pa kayang gagawin. Tss.

“Napakasungit mo talaga. Tss. Hindi na ikaw ang pinunta ko dito. nagbago na isip ko.”

“Ang gulo mo.” Sabi ko. E sa magulo naman talaga siya. Sabi niya kanina nandito siya para pagtripan ako tapos ngayon iba na. Abnormal talaga kagaya ko. Magkaibigan nga kami.

“Si Pj na pinunta ko dito.” Agad nangunot ang noo ko nang mabanggit niya ang pangalan ni Pj. Tss. Si PJ na naman!

“PJ! Halika dito dali!” Tawag nito bigla. Ang lapad pa ng ngiti niya. Peste.

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon