Chapter Thirty Five*

1.2K 33 4
                                    

Chapter Thirty Five*

EJ's POV

Buhat buhat ko si Choco John ng mapansing nag-iisip ng malalim si Chocola. Nandito kami sa bahay ng mga magulang ko. Gusto kasi nilang makita ang apo nila.

Noon, pinapatawag ako kasi gusto nila akong makita. Ngayon, yung apo na lang nila ang gusto nilang makita. Hayy.

"Mahal, okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya.

Kinuha naman nito si Cj mula sa akin, "Mahal, nag-away ba si Xander at Precie? Umiiyak kasi ang sister in law ko e." May pag-aalala pa sa boses nito.

"Ha? Hindi ko alam." Malungkot kong aaminin na hindi ako ang 'favorite kuya' ni Precie. Mas close sila ni Jm. Pero ayos lang, hindi naman ako nagseselos. Nagtatampo lang siguro.

"Puntahan mo muna mahal. Nasa kwarto niya."

"Sige." Hinalikan ko muna sila ni baby sa noo bago pumunta sa kwarto ni Precie.

Kumatok ako. Walang sumasagot. Pinihit ko ang doorknob, bukas naman iyon kaya pumasok na lang ako sa loob. Nakapatay pa ang ilaw.

Nakita ko namann agad si Precie na nakaupo sa kama nito at umiiyak. Ini-on ko ang ilaw, lumiwanag sa kwarto niya. At ngayon, kitang-kita ko na ang mukha niya at ang mata niyang namumula na. Kanina pa siya dumating, ibig sabihin kanina pa din siya umiiyak.

Lumapit ako sa kaniya at tumabi sa kama niya.

"Si Xander ba?" Tanong ko. Lagot sa akin ang lalaking yun bukas! Ilang beses ko nang sinabi na huwag na huwag niyang sasaktan ang kapatid ko e. Walang kaibi-kaibigan pagdating sa kapatid ko.

"Kuya, totoo ba talaga ang true love?" Biglang tanong nito sa pagitan ng pag-iyak.

"Para sa akin, totoo yun. Kasi nakita ko na ang true love ko e." Sagot ko naman. True love ko si Chocola e. I know two years pa lang pero parang ang tagal na.

"Sabi din ni mama, totoo ang true love. Maniwala lang daw ako, makikita ko din siya. Pero bakit ganun kuya, bakit sinasaktan ako ng true love ko?" Niyakap pa nito ang unan na hawak-hawak nito.

"Sumusuko ka na ba?" Nahihirapan akong makita ang kapatid ko na nasasaktan ng ganyan. Alam ko kasi ang pakiramdam na masaktan dahil sa minsan na din akong nasaktan.

"Gusto ko nang isuko lahat kuya. Sinabi ko sa kaniya na napapagod na ako, na magbreak na kami pero hindi niya ako pinigilan. Hindi niya sinabing huwag mo akong iwan Precie. Wala e."

Napabuntong hininga ako. Ewan ko kung sasapakin ko bukas si Xander o kakaawaan ko siya.

"Alam mo kasi Precie, takot nang maghabol si Xander."

"Anong ibig mong sabihin kuya?" Nakatingin ito sa akin, umiiyak pa din ito.

Hinarap ko siya at pinunasan ang luha niya. "Six years old si Xander nang sumama ang mommy niya sa ibang lalaki. Natatandaan kong ikwinento ni Tito Vic na hinabol at nagmakaawa si Xander na huwag silang iwan pero umalis pa din ang mommy niya then after several months, his dad died."

Tumigil na ito sa pag-iyak at nakikinig na lang sa akin. "Sabi din ni Keith na nagmakaawa siya dun sa ex niya para h'wag siyang iwan but she still left him. Siguro iniisip niya na kahit magmakaawa siya sayo, iiwan mo pa din siya."

"Ang selfish ko ba kuya?"

"No." Hinagod ko ang buhok niya. "Mag-usap kayong dalawa. Alam kong sinabi namin ni Jm sayo mas maganda kung magkaibigan muna kayo pero kung mahal na mahal mo, susuportahan ka na lang namin."

Niyakap niya ako. "Kuya, pag nakita ko ulit ang babaeng yun baka makapatay na ako ng tao."

"Ha? Sinong babae?"

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon