Chapter Six*

1.7K 29 3
                                    

Chapter Six*

 

PJ’s POV

Naghikab ako. Kinusot-kusot ang mata ko. Inaantok pa ako pero naaamoy ko na ang masarap na amoy na yun. Nakakagutom! Nagluto ba si Lola Ganda? Nang biglang magring ang cellphone ko. Kinuha ko sa lamesita ang bag ko, nilabas ang cellphone at sinagot ang tawag. Agad-agad.

“Hello?”

“Asan ka?”

Boses pa lang nito, alam ko na kung sino. Sino pa nga ba e di si Kuya Lancer. Ano na naman kaya ang sasabihin nito sa akin? Tumawag na ito kahapon e. Miss niya na ako? Agad-agad?

“Nasa bahay kuya. Bakit?” Tumayo na ako sa kama nang mapansin na iba ang kama ko. Iba din ang mga poster na nakalagay sa dingding? At mas lalong iba ang kulay! Medyo malaki din siya. Teka nga!? Kwarto ko ba to? Bakit lumaki? Nadwende ba ako? Nababaliw na ata ako!???

“Precie?? Nakikinig ka ba? Hindi ka nagsasalita..”

“Ay, kuya.. sorry.” Napakamot ako at nagdesisyong lumabas nang kwarto nang may isang lalaking nakatalikod at nakahubad!! Humarap ito, nagulat ata ito sa akin at nabitawan nito ang hawak nitong tuwalya. Tumambad sa mga mata ko ang hindi ko inaasahang tanawin. “AAAAAAAAAAAAA!!!!” Nanlaki ang mata ko at napasigaw. Agad kong tinakpan nang kamay ko ang mga mata ko. NAKU PO! Makasalanan na po akong tao.

“Hello? Precie? Anong nangyayari dyan!?” Nag-aalalang tanong ni kuya.

“W-wala naman kuya. Nakakita lang ako nang ipis. Alam mo naman hehe.”

“Ganun ba? Akala ko naman kung ano. Ahm. Mamaya na lang uli ako tatawag. Nandyan na yung boss ko. Sige.”

“Sige po..” Binaba ko na ang cellphone ko pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko na natatakpan nang mga kamay ko.

“Tss. Am I that ugly to you?”

“Sir?” Tinanggal ko ang kamay ko. Nakatapis na uli ito.

“You refer me as a cockroach. At bakit ka ba sumisigaw? Meron ka din namang ganito ah.”

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon