Chapter Twenty Six*

1.4K 33 6
                                    

Chapter TwentySix* (The continuation.)

PRECIE's POV
Kinakabahan. Pinagpapawisan. Hindi makatingin ng deretso. Yan ako ngayon.

After ng libing kay Hikari, sumama ako kay Xander at sa park kami pumunta. Sa JAXKE park.

Kanina pa nga kami dito pero walang nagsasalita. Dati, talagang magdidiskusyon pa kami kahit sa maliliit na bagay. Ngayon, napaka-ackward na para magsalita.

Dumaan pa ang ilang sandali, wala pa ding nagsasalita. Hindi ko na kaya! Nakakabaliw ang sobrang katahimikan.

"How are you?" Sabay halos naming sabi.

Napatingin kami sa isa't isa. Ayan na naman yung ackward moment. Bakit naman kasi kailangan pang sabay kaming magsalita? Ayan tuloy...

"Ahm.. Ako muna." Sabi ko na lang at tumango naman ito. "G-gusto kong sabihin sayo na ito ang dahilan kaya nagsinungaling ako. Anak ako sa labas ng daddy ko at kapatid ko sila Kuya Ej at Jm." Shocks! Nanginginig ata pati lalamunan ko e.

"Am I not trustworthy enough for you to tell me all of this before?" Sabi nito, medyo mahina ang boses.

"Sorry. Sasabihin ko naman talaga sayo after ng wedding nila Keith at Ella but you've found out. And you really got mad.." Sabi ko din sa mahinang boses. Para kaming mga sira. Kami na nga lang ang nandito, nagbubulungan pa kami.

And I felt so sad about this. Hindi ganitong pagtatagpo ang gusto. I know all of this is my fault pero naman diba? Gusto ko lang magkaayos kami tapos bumalik sa dati..

"Kahit sino naman maggagalit diba? You've lied and you hurt me. You never explained everything and before I knew it, you leave me behind."

Napayuko ako. Ramdam ko yung hinanakit niya. Gusto kong magstay sa kaniya ng mga panahon na yun kaso nakapagdesisyon na ako e.

"Alam mo bang hindi ko na alam ang ginagawa ko simula ng umalis ka?" Simula nito. "Galit ako, minsan lahat sila nasusungitan ko. Pero minsan hindi na lang ako nagsasalita. Minsan okay naman ako. Nakakapag-advice pa nga ako e." Tumawa pa ito ng mahina.

"Minsan gusto kong maniwala na babalik ka at magiging okay lahat pero madalas nagigising ako sa katotohanan na iniwan mo ako."

Gusto ko nang umiyak. Bakit naman ganito? Sad moments na nga kanina kasi nawala yung kaibigan ko tapos eto pa ang eksena namin? Why so unfair? Hindi ba pwedeng masaya na?

"Gusto ko kasi na pagbalik ko babae na talaga ako sa paningin mo."

Kita mo nga, nakasuot na ako ng palda at hindi na simpleng panlalaking shirt yung damit ko. Pambabae na din. At saka napansin mo bang mahaba na yung buhok ko? Nagsusuot na din ako ng hikaw oh!

"You're a girl now and I don't know this girl at all."

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon