Chapter Twenty Three *

1.1K 27 6
                                    

ChapterTwentyThree *

XANDER's POV

Tinipa-tipa ko ang gitara kong matagal ko nang hindi nahahawakan. Ito yung pinaka-una kong gitara at binili ko gamit ng sarili kong pera.

Hindi ko na siya nagamit dahil nawalan na ako ng ganang gamitin siya simula nang araw na iwanan ako ng ex girlfriend ko at sumama ito sa ibang lalaki.

I was so damn frustrated that time. Sabi ko sa sarili ko, Ano bang kulang sa pagmamahal na binigay ko at kailangan niya pang humanap ng iba? Bakit kailangan niya akong iwan at pagmukhaing tanga? Minahal ko siya.. pero bakit ganun?

Simula ng araw na yun, hindi ko na ginamit pang muli ang gitarang ito. Pakiramdam ko kasi, pag ginamit ko to.. Masasaktan na naman ako. Iiwanan na naman ako. Hindi na ulit ako kakanta sa harap ng iba, yun ang pinangako ko sa sarili ko pero agad ding namang napako yun.

Kumanta at tumugtog na ako noong nagpropose si Ej kay Chocola. Yun yung favor na hininga niya sa amin.

Now that I think about it, Ej and Keith are romantic. They do different acts just to show they love their partners. Iniisip ko, kaya ko kayang maging ganun?

Noong nagtapat ako sa Ex ko sa J.A.X.K.E Park, Wala akong dalang flowers, I didn't give her anything. I just blurted out that I love her. She agreed to date me. Then that time, I always sing her songs she love to hear. Doon ko mas ikino-convey ang nararamdaman ko sa kaniya. Akala ko mas nararamdaman niya yun, pero mali pala ako.

I saw her making out with someone I didn't know. Noong nakita ko yun, gusto kong sumabog sa galit. But she explained that.. that guy forced her to kiss him. Being so much in love with her, I accept that crap.

But i saw another make out scene with her and that another guy. Again, I believe her. Nang pangatlong beses ko nang makita siya na gjnagawa yun, nagwala na ako. At sa pagkakataong yun, pinili niya ang lalaking yun kaysa sa akin.

I was devastated. How could she leave me like that! How could she hurt me like this! Am I not enough with her? Isn't my love not enough?

ANO PA BANG KULANG SA PAGMAMAHAL KO? Yun ang laging tumatakbo sa isipan ko. Ganun na ganun ang sinabi ni daddy ng iwan kami ni mommy at sumama ito sa ibang lalaki. Ano nga ba ang kulang sa akin?

I've been aloof. The guys knows that. I always saw the twins, Andrei and Keith to be together. Naka-away ko si Keith noon at pilit kaming pinagbabati nung tatlo. Matigas ang ulo ko pero may mas titigas pa pala dito. Keith was stubborn as hell. Hindi niya ako tinantanan hangga't hindi niya ako nagiging kaibigan. Ang reason niya? Hindi daw ito bibigyan ng pagkain nung tatlo pag hindi niya ako naging kaibigan.

Funny isn't it? Dahil lang sa pagkain, hindi niya ako tinantanan. Lagi itong sumusunod sa kung saan ako pumupunta.. At wala akong nagawa kundi mag-give in.

They are my first friends. She is my first love. That's how I realize na magkaiba talaga ang pagmamahal na naibibigay ng mga kaibigan kaysa sa mga kai-ibigan.

Hindi ako iiwan ng mga kaibigan ko. Pero ang mga babaeng yan, they will just leave me. Siguro dahil doon kaya naging woman hater ako. I was harsh to them.. I don't care if they saw me as a rude person. At ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay yung mga flirt. 

Sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako magmamahal pa.. Pero dumating SIYA.

"Huy!"

"Huh?" Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong gitara. "Pj! Bakit kaba nanggugulat?"

"Kanina pa kasi kita pinagmamasdan. Kanina ka pa din kasi tulala. Ano bang iniisip mo?" Naka-upo ito sa tapat ko.

I grin. "Iniisip ko kung paano mo naturuan etong puso ko na magmahal ulit. Hehe." He blushed. Akala ko mga babae lang mahilig magblushed, pero akala lang yun.

"Alam mo, ang corny mo."

"Nagmamahal kasi ako e."

"Tse."

"Ang cute mo talaga. Payakap nga.." Tumayo ako at lalapit na sana sa kaniya ng biglang bumukas ang bwisit na pinto. Panira naman oh! -_- Yayakapin ko na e.

"Haha. Oy ano yan ah.." Si Jm na lakas makangiti.

"Being lovey dovey in the office ah hmm.." Si Andrei din na lakas makangiti. Etong dalawang 'to. Asar talaga kahit kailan.

"Kayong dalawa.. Huwag niyo na ngang inaasar si Xander. Look he's blushing hahaha." Si Keith na tawa ng tawa na sinundan din nang dalawa.

"Huwag mo nang pansinin si Keith, Xander. Alam mo naman na ninenerbyos lang yan kasi ikakasal na siya bukas." Si Ej na kapapasok lang.

"Hoy Ej, Argh! kinakabahan talaga ako!" So Keith na tumabi pa sa akin.

"Haha. Ganyan din naman si Ej dati e. Look, muntik pa ngang hindi matuloy ang kasal niyan e." Si Jm.

"Haha. Naprepressure na si Keith oh." si Andrei. Ngayon naman napunta ang usapan kay Keith.

"Look Keith, iba ang buhay ng single, may girlfriend, at buhay may asawa. Sa tingin mo kaya mong panindigan ito?" Ej ask with seriousness.

Keith smiles tenderly. Keith just had this smooth and calm expression on his face. I know.. he was sure of his decision.

Napatingin ako kay Pj na medyo naguguluhan na ata sa pinag-uusapan namin. If only he was a girl.. I can marry him too..

Argh. What am I thinking? Lalaki siya. Tanggap ko na diba?

"I'm never been this sure in my whole life." Seryosong sabi ni Keith. "Ella and I have been undergo pain, hatred and sadness by being apart with each other. This time, I want to be with her as much as forever so that we can undergo the happiness together."

"Uy. Lovestruck ka na talaga kay Ella kahit noong High school pa lang tayo haha." Si Jm.

"Oo. Parang ikaw kay Sandra hehe." Balik asar ni Keith.

Nagtawanan naman kami. Tumatawa din si Pj. Ahh. He looks really cute that I want to kiss him. I too.. want to spend the rest of my life with him..

I really was head over heels in love with this cute boy.

Ah. He smile as me..

Heaven ^_^

Love Cafe Series: Falling Inlove with My Pare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon