Prologue

2.3K 69 12
                                    


S.coups's Pov

Limang taon na ang lumipas. Malamang, isa na siyang ganap na dalaga. Ngunit, kahit gaano pa man siya gumanda o magbago, hindi ko parin makakalimutan ang babaeng nagtataglay ng mala-anghel na ngiti, at mga matang kumikislap sa tuwing  tatawagin niya akong,"kuya!".

Andito ako ngayon sa airport, standing straight while wearing a black mask, habang naghihintay sa kaniyang pagdating. Napakaraming tao sa paligid! Well, ang weird naman siguro kung kakaunti lang ang tao sa airport. So, dahil sa nagkalat na mga mata sa paligid ay talaga ngang  nag-iingat ako ng mabuti. Mahirap na, baka makilala ako at pagkaguluhan ng mga nandito. Hindi naman siguro ako makikila kung mata lang ang natatanaw sa pagmumukha ko 'no?

"Hay, ang tagal naman ni Hyeri! Nangangawit na ako a!"

Sa sobrang pagka-inip ay halos kausapin ko na ang sarili ko in the middle of the crowd. Pinagtitinginan tuloy ako ng mga nakakarinig. Oo na! Mukha akong ewan. Pero sino bang hindi mababanas kung halos dalawang oras ka ng nakatunganga at naghihintay rito?!

Nasaan na kaya yun?! Sabi niya mga ganito ng oras bababa yung eroplanong sinasakyan niya! E kahit anino niya di ko pa naki... O? May magandang babae akong natatanaw. Sanay naman akong makakita ng magagandang babae, pero talagang napadouble look ako sa babaeng... PAPALAPIT SA AKIN?!

O? O? O?! Parang kilala ko ang babae na 'yun? Teka lang! Hindi kaya siya si...

"Kuya Seungcheol! Namiss kita!" Sigaw niya sabay patakbong lumapit sa akin at yumakap.

Hindi ako nagkamali. Ang babaeng nakayakap sa akin ay walang iba kundi si Hyeri- ang aking nakababatang kapatid, at ang babaeng nagpatibok sa aking puso.

Akala ko, pagkatapos ng limang taon, magbabago rin ang lahat. But, i guess not. Walang pinagbago, at ang mas malala, mukhang mas tumindi pa ang pagnanais ko na makasama siya.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon