Chapter 18 "#musicvideowithMissK"

534 47 7
                                    

Third Person's Pov

Kailangang matapos ang shooting ng music video ng Seventeen sa loob lamang ng isang araw. Ngunit, nagkaroon ng problema. Biglang nagback-out ang isang magandang celebrity, na siya sanang gaganap bilang leading lady para sa mv. Ang kailangan lang naman nila ay magandang babae na bagay sa concept ng music video para sa "Nature's beauty" product.

Habang nagkakagulo ang dierctor at mga staff dahil sa masamang balita ay napangiti si Woozi at may naisip na ideya.

“Director!” sigaw nito anupat napatingin sa kaniya ang lahat, “Kailangan ba ng bagong leading lady? May gusto akong i-suggest.”

“Sino naman?” tanong ni direk.

Tumingin siya kay Hyeri at ngumiti, “Siya po.”

Lahat ng mga miyembro ng Seventeen ay napatingin kay Hyeri na kasalukuyan namang nakatingin sa langit at sa mga ulap.

"Siya?" tanong ng direktor bago tinuro si Hyeri at tinitigan ito mula ulo hanggang paa.

Sa wakas ay napalingon na si Hyeri sa kanila. Takang-taka ito at tumingin-tingin pa sa likuran para masigurado kung siya nga ba ang tinitignan ng mga nagwagwapuhang lalaki.

"Owww, pwede nga. Sandali, tatawagan ko ang CEO," ang sabi ng Direktor bago umalis at sumigaw ng, "tawagan niyo ang CEO!" utos nito sa staff.

Iba't-iba ang naging reaksyon ng labing tatlong miyembro ng Seventeen. Kung si Hyeri ang magiging leading lady, hindi magiging madali ang pagshooshoot. Lahat ay napalingon nang may pag-aalala kay Jisoo, bukod lang kay Seungcheol na hanggang ngayon ay wala paring alam sa dating relasyon ni Jisoo at ng sariling kapatid na si Hyeri. Si Jun ay pasikretong napangiti. Si Seungkwan naman ay napaubo ng napaubo ngunit peke naman ito. Si Dk ay tumiklop na parang makahiya at namula. Si Jeonghan ay napanganga lang at parang nag-iisip pa ng malalim. Si Wonwoo ay pasikretong nakatitig lamang kay Hyeri. Kung tungkol kay Vernon, nagpalipat lipat ang tingin nito kay Hyeri at kay Jisoo. Samantalang si Mingyu ay may pag-aalalang napalingon kay Seungcheol habang kinakagat kagat pa ang mga kuko. NApansin naman ni The8 ang kinakabahang reaksyon ni Mingyu. At kay Woozi, ngumiti ito ng mala-demonyo, waring hinihintay ang sasabihin ni Seungcheol.

"O-Okay lang ba talaga na ang kapatid ni Seungcheol hyung ang maging leading lady? H-Hindi ba parang awkward?" tanong ni Dino.

"K-Kaya mo bang um-acting  kasama ang kapatid mo?" nag-aalalang tanong ni Mingyu kay Seungcheol.

Seungcheol fisted his hands. Nanlilisik ang mga mata nito na tinignan si Woozi na kasalukuyan paring manawa-nawa.

"Talagang, ginagawa mo ang lahat Jihoon," nanggigigil nitong sambit.

"Bakit?" natatawang tanong ni Jihoon, "hindi mo ba kayang um-acting na sweet kasama ang kapatid mo?"

Biglang nahiwatigan si Jisoo. He looked at Jishoon and Seungcheol. Bakit parang may ipinahihiwatig ang bawat salita at tinginan ng dalawa? Kung magtatanong lang siya kay MIngyu, malamang, kanina pa niya nalaman ang sagot. Bukod kasi kay Jihoon, si Mingyu ang isa pang nakakaalam ng tunay na nararamdaman ni Seungcheol sa sariling kapatid.

Ibig sabihin, ang problema ay hindi dahil sa maiilang si Seungcheol na umarteng kasama ang kapatid. Kundi, mahihirapan siyang gumanap ng sweet kay Hyeri dahil mahal niya ito.

Matutuloy nga ba ang music video na kasama si Miss K? Pumayag nga ba ang CEO na gawing leading lady si Hyeri?

Ang sagot ay, isang malaking OO.

Sa loob ng ilang minuto ay mabilisang inayusan ng mga stylish  ang dalaga.

"Okey na ito," ang suhestiyon ni Hyeri na waring pinatitigil na ang mga make up artist sa pag-aayos sa kaniya.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon