Chapter 28 "A kiss that changed everything"

401 27 6
                                        

Jeonghan's Pov

Nagtatae ako. At ito na ang pang sampung beses na nakaupo ako sa trono, nagbibilang ng tiles, tinitignan kung madumi ang mga kuko ko at kumakanta ng "Ang kawawang cowboy" habang nagbabawas.

Matapos magkaayos ni Seungcheol at Jisoo, ay nag-yaya ang dalawa na mag-inuman. So lumabas ang mga members para bumili ng beers at pulutan. Dahil nagtatae ako, naiwan ako sa dorm. Mahirap ng magpasabog sa daan.

"Come in," ang narinig kong sabi ni Joshua mula sa banyo. Teka, kailan pa siya natutong magsalitang mag-isa? Sa pagkaka-alam ko, kaming dalawa lang ang nagpa-iwan sa dorm ah!

Agad kong tinapos ang aking pribadong business, nagsuot ng short at lumabas. "Hoy Jisoo. Sino ba yang kinakausap m-"

"O ayan na pala siya galing banyo. Tapos na siyang tumae, share ko lang," ang sabi ni Jisoo kay...

"H-Hyeri."

Bumati si Hyeri sakin sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo. At napansin ko ang panandalian niyang pagsulyap sa kaliwa kong kamay. Jisoo! Gaganti ako!

"Nandito ako dahil nag-text ka na may mahalaga kang sasabihin sa akin," ang sabi ni Hyeri. Ako? Nag-text? Kailan? At ano namang sasabihin ko?

Napalingon ako sa cellphone ko na katabi ni Jisoo. Bahagya ring nagbigay ng makahulugang ngiti sakin ang salarin. So ginamit pa talaga niya ako para papuntahin si Hyeri rito?

"Ahh, oo! Ha ha ha! May mahalaga akong sasabihin sayo Hyeri. Halika maupo ka muna," ang peke kong pagtawa na sinundan ng paghatak ko sa kaniya para maupo sa sofa.

Now she is looking at me. Syempre naghihintay siya kung ano nga ba ang sasabihin ko. Wala naman akong sasabihin!

"Ano ang sasabihin mo?" Hyeri asked, looking straight into my eyes. Yung mata niya, bilog na bilog at walang halong pag aalinlangan. Palagi nalang blangko ang ekspresyon niya sa tuwing seryoso ang usapan. Well, isa siyang seryosong babae na mahirap patawanin.

Lumingon ako kay Jisoo. Pasikreto kong kinurot ang legs niya sa inis. Pero ang loko, agad akong binuking. "Aray Jeonghan! Bakit mo ko kinukurot?"

Namumutla ay tinignan ko ang nagtatakang reaksyon ni Hyeri. Kailan pa akong natutong mahiya sa harap ng babae?

"Hindi naman kita kinukurot. Ahmm, humihingi lang ako ng tulong mo JIsoo. Medyo...makakalimutin na kasi ako kaya hindi ko matandaan kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ko kakausapin si Hyeri.  Mukhang nakakawala ata ng memorya kapag nagtatae. Ha-Ha! Naaalala mo ba Jisoo kung ano ang sasabihin ko kay Hyeri?"

Tutal ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit siya nandito!

"Good thing I am a genius!"  Joshua gasped sabay tingin kay Hyeri. "Mag-iinuman kami mamaya to celebrate your relationship. Dahil nagdesisyon kayo ni Jeonghan na mag-date in real. Congrats sa inyong dalawa." Joshua smiled.

Kapwa kaming napahinto ni Hyeri sa sinabi niya. Alam ko na kung may tututol sa relasyon namin, si Joshua ang numero uno. Pero bakit? Paano niyang nagawang tanggapin ito ng basta basta? Pero hindi ba magandang sign to? Kung nakipag ayos siya kay Seungcheol at binati kami, ibig sabihin handa na siyang mag move on.

"Salamat. Sige pupunta ako mamaya," ang sagot ni Hyeri na mas ikinagulat ko!

Kaya napasigaw ako ng, "Pupunta ka nga?!"

"Para sa atin ang celebration. So why not? Officially, girlfriend mo ko." Seryoso nga siya.

"Parating na ang mga members dito. Hihintayin mo na ba sila?" Ang tanong ni Joshua. Heto ako nagpapalipat lipat lang ng tingin sa kanilang dalawa.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon