Chapter 15 "Electric Feelings"

554 32 5
                                    

Third Person’s Pov

Suot-suot ang t-shirt na pinahiram ni Jeonghan, ay naglakad si Hyeri pauwe sa sariling apartment dala-dala ang binili sa supermarket.

“Labhan ko na kaya ‘to mamaya? Para maisauli ko na,” ang sabi niya habang nakatingin sa tshirt na suot at naglalakad papunta sa munti nitong tahanan.

“Ang tagal mo naman,” isang tinig na nakakuha ng kaniyang atensyon.

Nang iangat ni Hyeri ang paningin, nakita niya si Jun na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pintuan ng kaniyang apartment.

Ano kayang ginagawa ni Jun dito?

“Kanina pa kita hinihintay. Ang tagal tagal mo,” reklamo ni Jun. Tumayo siya ng dahan-dahan; nangawit na ‘ata sa kakaupo, pagkatapos ay nagpagpag ng puwetan.

“Bakit mo ‘ko hinihintay?” she asked over him.

“Natural, may pakay ako sayo. Ang itanong mo dapat, anong kailangan ko sayo?”

Naglakad si Hyeri papalapit sa pintuan, “Anong kailangan mo?”

“Papasukin mo muna ako sa bahay mo,” at bigla nalang inagaw ni Jun ang pinamile ni Hyeri.

Sinubukang bawiin ni Hyeri ang mga ito sa kamay ni Jun, pero ayaw itong ibalik ng makulit na binata.

“Ayoko nga. Hindi ako nagpapasok ng lalaki. Sabihin mo nalang dito,” naiinis na tugon ni Hyeri.

“E, masyadong private kasi ang sasabihin ko.”

Binuksan ni Hyeri ang pinto, “Wala namang makakarinig dito sa...” napahinto siya sa pagsasalita.

Bigla nalang kasing pumasok si Jun sa loob ng kaniyang apartment! At nagtuloy-tuloy ang binata sa pag-upo sa sofa sabay lapag ng pinamile ni Hyeri sa isang tabi.

“Hoy! Anong ginagawa mo?!” naiinis na sigaw ni Hyeri, “Lumabas ka. Paano kung may makakita sayo dito? Baka magkaroon ng issue.”

“Kaya kung ayaw mong magkaroon ng issue, isara mo na ang pinto para wala nang makakita sakin.”

“Ha? Wen Junhui,” madiin na pagtawag ni Hyeri sa pangalan ng makulit na lalaking ito, “Kapag hindi ka lumabas, tatawag ako ng police.”

“Police?” but Jun only smirked, “Sige tumawag ka ng police. Para mapunta tayo sa balita, tapos, sasabihin ko naman na ikakasal na tayo. O di ba, mas malaking issue yun.”

Napapikit ng mariin si Hyeri bago huminga ng malalim, “Alam mo, ang childish mo. Kung...”

“Mahal mo pa ba si Jisoo hyung?” he asked, sincerely. Tumayo siya at tinitigan ang bawat reaksyon ni Hyeri taglay ang seryosong tingin.

Mahal pa nga ba ni Hyeri si Jisoo?

Only Hyeri can answered to that question. Ang kaso nga lang, wala siyang plano o ayaw niyang sagutin ang tanong na ito.

“Kaya ako pumunta rito ay para lang itanong sayo ang bagay na iyon,” Jun said then he walked towards her.

“Pero, wala naman akong planong sagutin ang tanong mo. Isa pa, anong dahilan kung bakit mo inaalam ang bagay na hindi mo  naman business?”

Lumapit si Jun sa kaniya while staring at her, “Business ko yun. Bakit? Crush kaya kita.”

Nanlaki ang kaninang boring na mga mata ni Hyeri!

At tanging, “Ha?” nalang ang kaniyang naitugon.

“Crush kita, di ba halata? Tsk. Gusto kong malaman kasi kapag hindi mo na pala mahal si Jisoo hyung, hindi ako mahihirapan. Pero kung mahal mo pa siya, hmmm...?” napatingin siya sa kisame at nag-isip ng malalim, “Sige na nga! Kahit mahal mo pa siya, hindi ako susuko. Wala sa bokubularyo ko na sumuko kapag may nagustuhan ako.”

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon