Chapter 1 "Meet Them"

1.1K 50 19
                                    

Hyeri’s Pov (Points of view)

Limang taon na ang nakalilipas mula ng makita ko si kuya Seungcheol, in person. I was 15 years old back then. Pure korean kami pero we live in L.A.

Masaya naman ang pamilya namin kasama si kuya. But one day, nagulat nalang ako ng malaman na aalis siya at magte-train bilang idol. Nagulat ako sa biglaan niyang desisyon. Kasi, ni isang beses, wala naman siyang nabanggit sa akin na gusto niyang maging idol.

After that, pinutol na niya ang kaugnayan sa akin – tanging sa akin lang!

Kapag nagtetext ako, hindi siya nagrereply. Kapag nag-e-email ako, hindi rin siya nagrereply. Ni Skype nga, hindi man lang niya magawa. Ano kayang dahilan?

Kaya para masubaybayan ko siya, sinubaybayan ko ang grupo na pinasukan niya. Ang Seventeen.

Today, I'm gonna meet my brother. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita ako?

While I imagining my brother’s possible reaction, ay may nakita akong pamilyar na lalaki sa di kalayuan. He is wearing black mask, pero sure ako na kilala ko siya. O? O?! Si kuya Se...Seu...Seungcheol!?

“Kuya Seungcheol!” I screamed, dala ng pagkabigla at tuwa.

Tumakbo ako papapalapit sa kaniya at mahigpit siyang niyakap, “Namiss kita.”

Hindi ko alam kung iiyak ba ako or ano, basta ang alam ko, I'm so happy na nakita ko siyang muli – in person.

Lumipas ang ilang segundo. Naghihintay ako ng magiging reaksyon niya. Pero hindi niya ako niyakap pabalik at wala man lang salita na lumabas sa mga bibig niya. Ako lang ba ang nakamiss sa kaniya?

Lumayo ako sa pagkakayakap para makita ang pagmumukha niya. Pero dahil naka-mask siya, tanging ang mga mala-deer niyang mata lamang ang napagmamasdan ko. Nakatitig lang siya sa akin na parang gulat na gulat while scanning me from head to toe.

“Ta...talaga namang...” utal-utal niyang sambit.

Talaga namang?

“Ta...talaga namang na...na...napakaganda mong...”

“Ha?”

“Ahem,” umubo siya at umiba ng tingin, sabay pinagpatuloy na, “Talaga kakong napakaganda mong BINATA.”

Ano raw?!

“Kuya! Hindi ka parin nagbabago!” inis na inis kong reklamo. Hinampas ko siya ng mahina sa balikat, dahilan para sumigaw siya ng...

“Ah! Ang sakit nun a! Bakit hinahampas mo ang kuya mo!?”

“Ma...masakit ba? Sorry, hehe.”

Gusto kong maibalik ang dati naming paraan ng pag-uusap. Kaso, aaminin kong, medyo na-o-awkward-an ako sa aming dalawa sa ngayon. Limang taon kaya kaming hindi nag-usap!

Third person’s pov

“Saan?” tanong ng taxi driver, pagkasakay ng magkapatid.

“Sa Binay Hotel po,” sagot ni Seungcheol habang may suot pang mask. Hindi naman siguro siya makikilala ng isang 50 years old na taxi driver kung sakaling makita nito ang kaniyang mukha. Pero siyempre, nag-iingat lang naman siya. Mahirap na kung magkaroon ng issue, lalo’t pang, kasikatan ng kaniyang grupo.

Ngunit, matapos sabihin ni Seungcheol na sa Binay hotel ang kanilang destinasyon ay waring tinitigan siya ng kahina-hinala ng driver. Bakit kaya?

“Sa hotel kayo?” tanong pa nito.

“Opo” maikling sagot ni Seungcheol.

Ano bang problema ni manong driver? Bakit palipat-lipat ang tingin nito sa kaniya at kay Hyeri?

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon