Chapter 8 "Awkward"

493 45 3
                                    


Third person’s Pov

“Anong ginagawa mo diyan?” ang nagtatakang tanong ni Hyeri.

Nakita niya kasi si The8 na nakaupo sa gitna ng isang halamanan. Para itong palaka na nasa gitna ng dilim at naghihintay ng insekto na makakain. Dahan-dahang iniangat ni The8 ang kaniyang paningin. Umabot pa ata ng sampung segundo bago napagtanto ni Myungho ang mga nangyayari.

“Oh!” he shouted. Agad siyang tumayo ng nanlalaki ang mga mata.

“Bakit ka nagtatago sa halamanan?” Hyeri asked again.

Bakit nga ba siya nagtatago sa halamanan?

“Ka...kasi, na..nais kong mapag-isa?” ang kakaibang sagot ni The8.

Napataas nalang ng kilay si Hyeri sa kakaibang paliwanag na kaniyang narinig. Sinong matinong tao ang magtatago sa halamanan dahil gusto lang nitong mapag-isa?

“Oh? Bakit wala ka ng kasama?! Asan si S.coups hyung at Jun?!” gulat na tanong ni The8 nang mapansin na wala sa paligid ang mga tao na nakita niyang kasama ni Hyeri kanina lamang.

“Kanina ka pa nandito ‘no?” Hyeri asked.

“Ha?”

“Kasi nakita mong kasama ko kanina si Jun at si Kuya, ibig sabihin, pinapanood mo kami kanina.”

Tama si Hyeri. Kanina pa nga nanonood si The8 sa kanila. Kung hindi nga lang tumalikod si Woozi ay hindi siya magtatago sa halamanan. At kung hindi siya nag-isip ng malalim, nalaman niya sana kung bakit biglang nawala si S.coups at Jun sa scene.

Bago pa man sabihin ni Hyeri ang dahilan kung bakit mag-isa na lang siya ngayon ay napansin ni The8 ang sugat sa kaniyang binti.

“Oh?! Yung tuhod mo! dumudugo!” natatarantang pagturo ni The8 sa tuhod ni Hyeri.

Nakataas ang jogging pants na suot nito, kaya’t kitang-kita ni The8 ang nagdudugo nitong sugat.

“Ah, eto ba?” turo ni Hyeri sa sariling sugat, “ bigla kasing dumating si kuya. Sa gulat ni Jun, umalis siya agad sa seesaw, kaya nahulog ako at nagkasugat. Tapos, nung nakita ni kuya na may sugat ako, tumakbo siyang convenience store para bumili ng band-aid. Sabi niya hintayin ko raw siya rito. Tapos si Jun, sasamahan niya dapat ako habang hinihintay si kuya. Kaso, tinatawag daw siya ng kalikasan kaya  tumakbo siyang pauwe. Then, napansin ko sa malayo na parang may gumagalaw dito sa halamanan. Akala ko kung anong maligno. Tapos, eto, nakita kita.”

“Aish, loko talaga si Jun,” naiinis na bulong ni The8 nang marinig ang kwento ni Hyeri, “So, babalik daw si Seungcheol hyung dito na may dalang band-aid? Mi...miss K?”

“Miss K? Hindi ako si Miss K. Kapag wala tayo sa trabaho, Hyeri nalang ang itawag mo sa akin. Ah, mas matanda nga pala ako sayo. Ate nalang ang itawag mo,” sagot ni Hyeri bago ngumiti.

May multiple personality disorder ba ang kapatid  ni Seungcheol? Iyan kasi ang iniisip ni The8 sa ngayon. Noong una, napakajolly niya kumilos, nung nalaman naman nila na sila si Miss K, naging terror siya, tapos ngayon, napakabait niya. Ano ba talaga?!

“Ma...may band aid akong dala, A...ate Hy..Hyeri,” nahihiyang alok ni the8 bago may dinukot sa bulsa.

Ipinakita ni The8 ang isang box ng band-aid na galing sa kaniyang bulsa. Bakit siya may dalang band-aid?

“Bakit, may dala kang ganyan sa bulsa mo?” nagtatakang tanong ni hyeri.

Bilang sagot ay ipinakita ni The8 ang hintuturong daliri ng kaniyang kanang kamay. May band-aid rin ito.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon