Chapter 11 "Oh My Gosh"

567 38 6
                                        


Seungkwan’s Pov

“Alam mo Seungkwan, may alam akong limang tips para maging maligaya ang isang lalaki,” ang payo sa akin ni Dk hyung.

Hindi pa kasi nagsisimula ang practice namin kaya nag-haharutan at naglolokohan kami rito.

“Anong tips yun hyung?”

“Una, have a girl to help you work,” he said habang nagha-hand gesture pa,” Then, second, have a girl to take care of you, third, have a girl who can make you laugh, pang-apat, have a girl who spoils you, hanapin mo yun seungkwan,”

“Akala ko ba limang tips? Bakit apat lang? Ano yung lima?”

Inakbayan niya ako at tinitigan ng seryoso, “ Ang panlima, siguraduhin mong... HINDI MAGKAKAKILALA ANG APAT NA BABAE NA ‘YUN! MUHWAHAHAHAHAHAHA!”

Pambihira! Kalokohan na naman pala!

“Hahahaha! Loko loko ka talaga hyung! Kung makapagsalita ka, parang ang dami mong alam sa love ah. Bakit, ikaw ba may experience na?”

Inaasahan ko na tatawanan lang ni Dk hyung ang biro ko. Pero bigla itong nagseryoso at napatingin sa sahig. Eh?

“Hyung, ok ka lang?” i asked out of curiosity. Kanina ko pa kasi napapansin ang kakaiba nitong kilos. Biglang tatawa, biglang malulungkot. Kumbaga, kapag ikinumpara sa babae, para siyang may menstruation period.

Hmmm, oo nga pala. Nagsimula ang kakaiba niyang kilos mula kagabi. Ano ba kasi talaga ang nangyari?

Instead na sagutin ako ni Dk hyung ay tumingin lang ito sa pinto ng recording studio ni Woozi hyung.

“Seungkwan, ‘diba, nandun ngayon ang kapatid ni Seungcheol? Si Miss K?” he asked with a serious tone.

I nodded, “ Yup, siya na ang new producer natin kaya partner sila ngayon ni Woozi hyung. Astig no? Yung idol ni Woozi hyung, ay isa sa mga fans ko. Muhwahahahahahahah! Ibig sabihin, fans ko rin si Woozi? Parang ladder lang, diba diba?” tinapik ko si Dk hyung para sumang-ayon sa joke ko.

Pero...

Seryoso lang siyang nakatitig sa pintuan. Haiiiixzzzzt!

“Ahmmm, wait lang ah, puntahan ko si woozi hyung, kasi may itatanong ako  tungkol sa bagong kanta,”  i said. Then naglakad ako papunta sa harap ng pinto ng recording studio ni Woozi hyung.

“Woozi Hyung yung...” pauna kong salita pagkabukas ng pinto.

Pero agad akong napahinto.

Paano ako hindi mapapahinto kung bubungad sa akin ang kapatid ni Seungcheol na lumuluha?!

Hala! Anong nangyari?! bakit siya umiiyak?!

Nanlalaki ang mga mata kong tinignan kung sinu-sino ang nasa loob para magkaroon ng clue sa kung ano ang nangyari. naroroon si Woozi hyung na nakanganga, si Hoshi hyung na matalim ang tingin, at si Jisoo hyung na parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Miss K wipes her tears. Pagkatapos ay nagmadali na itong umalis mula rito sa recording studio at mula sa practice room. Binati pa nga siya ni Jun pero hindi niya ito pinansin.

“Anong nangyari?” tanong sa amin ni Mingyu nang makaalis ng tuluyan si Hyeri. Pero wala ni isang sumagot sa aming apat.

Paano ako sasagot kung mismong ako ay gulong-gulo?!

Umakmang aalis si Jisoo hyung. But, hinawakan ni Hoshi hyung ang braso niya para pigilan. Tapos, tinitigan siya ni Jisoo hyung nang nanlilisik ang mga mata.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon