Chapter 3 "Spaghetti"

782 48 9
                                        


Third person’s Pov

“Hindi pwedeng lumabas yung kapatid mo sa dorm natin. Marami na raw reporter sa labas,” sabi ni Mingyu na nakikipaglaban parin sa cola.

“Ano?!” gulat na gulat na reaksyon ni Seungcheol sa narinig.

Bakit kasi, sa lahat pa ng pagkakataon, ay ngayon pa natapat na mapunta si Hyeri sa dorm nila?

“Hyung, nagkataon kasi na debut anniversary natin. Nagulat na nga lang kami ni Dino na pagbalik namin, may mga reporter na agad. Kaya nga, tumalon pa kami sa pagkataas taas na bakod.” Paliwanag pa ni Vernon.

Agad na tumayo si S.coups mula sa pagkakaupo sa sofa, at tumungo sa harap ng pinto. Huinga muna siya ng malalim, saka dahan-dahang sinilip ang labas.

Marami nga reporter!

Tsk, isa nga ‘tong malaking problema! Hindi maikakaila sa reaksyon ng leader na ito ang sobrang pag-alala sa mangyayari. Pano na makakaalis ng dorm si Hyeri?! Ang kaisa-isang babae na naroroon sa lugar na iyon?

“Ahm, Seungcheol, mukhang hindi magandang ideya na palabasin natin ngayong gabi ang kapatid mo,” nag-aalalang suhestiyon ni Jeonghan.

Isa namang nakakunot na noo ang isinukling sagot ni Seungcheol.

Kung tungkol naman kay Hyeri, tulala ito at parang hindi pa nakakarelate masyado sa nangyayari. Ang nasa isip niya, ‘Kung sasabihin lang naman ni Kuya na kapatid niya ako, wala naman sigurong magiging problema’

Pero batid din niyang, iba na ang kalagayan ng sitwasyon. Ang trabaho ng kuya niya ay nakasalalay sa reputasyon na dapat ingatan.

“Hoy Hyeri! Kaya mo bang tumalon sa pader?” natatrantang tanong ni Seungcheol na parang kiti-kiti kung kumilos.

“Ha? Tatalon sa...” bago pa man makasagot si Hyeri ay sumingit na si Hoshi ng...

“Hyung naman! Sila Vernon nga, nahirapang tumalon dun, yung kapatid mo pa kaya?”

“At tsaka hyung, paano kung mahuli parin kayo ng reporter na umakyat sa bakod? Hindi ba mas kahinahinala yun? Mas masagwa kung iyon ang ibalita,” paliwanag pa ni Seunggwan.

Parang panandaliang nawalan sa katinuan ang isipan ni Seungcheol. Napatingin siya sa kawalan at napakagat sa mga kuko niya. Ano ba talaga ang pinakamagandang solusyon?!
“E kung dito nalang kaya siya matulog?” biglang suhestiyon ni...

“Anong sabi mo Woozi?!” gulat na gulat na tanong ni Jeonghan.

“Dito nalang siya matulog. Yun lang ang solusyon.”

“Pero babae siya!” biglang sigaw naman ni Wonwoo.

Everyone is looking at Wonwoo. Bakit ang O.a ata ng reaksyon niya?

“Di...diba? hehe,” panunumbalik ng sweet na boses ni wonwoo ng maramdaman niya ang kakaibang titig ng lahat.

“Tama! Paano ko papatulugin ang kapatid ko rito?! e puro lalaki tayo!” galit na galit na sigaw ni Seungcheol.

“Lalaki kaming lahat. Pero hindi ka naman lalaki.” Sagot ni Woozi sa tanong nito.

“Sino may sabing hindi ako...” Seungcheol stop for a moment.  Oo tama si Woozi. Kapatid niya si hyeri kaya’t  hindi siya lalaki sa paningin nito. But, he is so affected by that fact! To the point na hindi na siya makapagsalita pa.

“O? Sa bagay. Wala naman sigurong problema kung kayo ang magkatabi Coups,” pag-payag ni Jeonghan sa ideya ni Woozi.

Seungcheol looks at Hyeri. Kaya ba ni hyeri na matulog rito? o ang mas appropriate na tanong ay, kaya ba ni S.coups na makatabi ang babae na iyon sa pagtulog?

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon