Third person’s Pov
Mabilis na nagdaan ang araw.
Buong araw na inayos ni Hyeri ang bagong apartment na kaniyang titirhan – ang apartment na kinuha ni Seungcheol at ang apartment na nasa tapat lang ng dorm ng seventeen.
Busy naman ang mga seventeen members para sa paghahanda ng nalalapit nilang comeback.
Halos maghahating-gabi na nga nakauwe ng dorm ang mga pagod na members. Kaya naman, hindi na nagawa ni Seungcheol na puntahan ang kapatid at i-check kung komportable ba ito sa nakuha niyang apartment.Sumikat ang araw.
Heto’t si hyeri na nag-aabang sa tapat ng Dorm ng seventeen. Nangako nga pala noong isang araw si seungcheol na isasama niya ito minsan sa building ng pledis, kung saan siya nagtatrabaho.
Pero bakit nga ba gustong-gusto ni Hyeri na sumama roon?
“O? May nakalimutan akong papeles,” sambit ni Hyeri na parang may naalala.
Agad itong bumalik sa loob ng kaniyang apartment. Sakto naman ng kaniyang pag-alis ay nagsilabasan na ang mga members ng seventeen, kasama ang kaniyang kuya, mula sa dorm. Bakit kasi ngayon pa may nakalimutan si Hyeri, kung kaya’t hindi sila nagpang-abot?
May pagkamatang-lawin na pinagmasdan ni Seungcheol ang paligid. At ng makita na wala sa paligid ang kaniyang kapatid ay hindi nito naiwasang mapangiti. Ayaw naman niya talagang isama ito!
The van has arrived. Nagmamadaling pumasok si Seungcheol, at nagmamadali nitong pinapasok ang mga members sa loob ng van. Halatang-halata talaga kay S.coups ang pagmamadali.
When they all ride the van, at pagkasara ni Dino ng pinto ay siya namang kalalabas ni Hyeri.
“Oh? Yun na yung Van nila a!” sigaw ng dalaga ng makita ang isang itim na Van na papaalis na.
Nagsimula na ngang umandar paalis ang Van. Kaya naman...
“Hoy! Teka! Hintayin niyo ako! Kuya!” natatarantang sigaw ni hyeri na napatakbo na at napahabol sa itim na Van na iyon.
“Oh? Seungcheol hyung, kapatid mo ba yung nakikita kong humahabol sa atin?” tanong ni Dino na nakatitig sa likod at nakaturo sa direksyon ni Hyeri.
All of the members look behind. At nang matitiga nila ang babaeng humahabol sa Van nila ay natiyak nga nila na iyon ay walang iba kundi ang kapatid ni Seungcheol na si Hyeri!
“Aishh! Ang kulit talaga niya!” reklamo ni Seungcheol, “Assistang Jang, bilisan niyo ang pagmamaneho, dali! Dali!” utos ni Seungcheol sa driver nila.
Wala atang plano si Seungcheol na ipahinto ang van. Kawawang hyeri.
“hah..huh..ha...” hingal ni Hyeri na napahinto sa pagtakbo at napahawak nalang sa tiyan, “Ah ganun, iiwan mo talaga ako?” galit na galit nitong sambit bago tinitigan ng masama ang van at kinuha ang cellphone sa kaniyang bag.
“Hyung, kawawa naman yung kapatid mo. di ba natin siya hihintuan?” nag-aalalang tanong ni Dk.
Si Seungcheol naman ay nakasandal sa upuan at nakapikit na sinabing, “Hayaan mo siya,”
Nang biglang nag-ring ang cellphone ni Seungcheol. Kinuha ni Seungcheol ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa. May text siyang natanggap. Nang tignan niya kung kanino ito galing...
‘Ah ganun, hindi mo ako isasama kuya? Eh kung ipagkalat ko kaya sa buong bayan na kapatid mo ako?! Kung umalis ako ng hindi nagpapaalam?! Tapos sasabihin ko sa lahat ng makakakita sa akin na kapatid mo ako?! Tapos sasabihin ko na umiihi ka dati sa kama?! = message sender-Hyeri’

BINABASA MO ANG
"Pretty U!"
Fanfiction(Seventeen's fan fiction story) A kpop Idol named, "Seventeen," is famous korean boy group in Korea with 13 handsome members: Scoups, Jeonghan, Joshua, Jun, Hoshi, Wonwoo, Woozi, Dokyeom, Mingyu, Minghao, Seungkwan, Vernon and Dino. They are self-p...