Chapter 24 "Fake"

299 29 2
                                    

"Nilabas na!" Seokmin shouted that echoed around the dorm.

Nakaupo siya sa harap ng mesa sa kusina, naka-harap sa kaniyang laptop at kasalukuyang pinapanood ang music video na kanilang na-film kasama si Miss K or Choi Hyeri. Ngayong gabi kasi inilabas ng Pledis ang music video na ito at kahit napanood na ito ni Seokmin sa personal, ay naghintay parin siya.

"Guys! Eto na!" muli niyang sigaw. Pero si Seungkwan lang naman ang tanging pumansin sa kaniya.

"Asan na?!" sigaw ni Seungkwan na pagkalapit na pagkalapit ay inagaw kay Seokmin ang mouse.

"Aba teka--"reklamo sana ni Seokmin pero wala na siyang nagawa.

Nag-fast forward si Seungkwan at itinapat sa part ng music video kung saan silang dalawa ni Hyeri ang magka-partner. Habang pinapanood ay napapatakip pa ito ng bibig at namumula ang matambok niyang mga pisngi.

"Ang daya mo naman Seungkwan eh! Nakikinood ka na nga lang, tapos aagawan mo pa ako. Simulan mo sa una!" Seokmin suggested. Inagaw ni Seokmin ang mouse at nilagay naman sa part na si siya ang kapartner ni Hyeri.

"Ewww," reklamo ni Seungkwan. "Ayoko nga panoorin yung part ng ibang members."

"Bakit naman?" Seokmin asked with his innocent eyes.

Dahan-dahang napalingon ang dalawa sa mga members na nakaupo sa kung saan saang sulok. Kaniya kaniyang nakaharap ang mga ito sa mga sariling cellphone at may suot-suot na mga headphone. Kung tutuusin, iisang video lang naman ang pinapanood nilang lahat. Pero bakit nga ba hindi sila nanonod ng sabay at piniling mag kanya kanya?

Muling nagtinginan si Seungkwan at Seokmin.

"Bakit nga ba?" Seungkwan asked.

Napatingin si Seokmin sa kisame at napangiti. "Ako alam ko kung bakit, hahahahaha!"

"Tssss," Seungkwan pouted and still thinking. Bakit nga ba ayaw niyang nakikita si Hyeri na kasama ng ibang members? Well, hindi naman siya nag-iisa. Halos lahat naman ata sila, ayaw ang ganoong ideya.

"Lalalalala," Dino hummed while walking towards the door. Nakasuot ito ng Jersey at may hawak na bola ng basketball. Halata naman kung saan ito balak magpunta. Ang nakakapagtaka nga lang, ay ang matapang na pabangong suot nito na umaalingasaw sa paligid. Kaya naman...

" Saan ka pupunta?" Pag-uusisa ni Seungkwan habang naka-crossed arm.

Dino looked at him. "Pupunta akong basketball court hyung.Maglalaro lang." Atnag-suot siya ng rubber shoes.

"Aba, nagpapalaki ka na ba ng maskels?" ang biro naman ni Seokmin while showing his biceps.

"HIndi no," sagot ni Dino. "Inaya ko kasi si Hyeri noona na magbasketball."

Dahil sa pangalang, "Hyeri," ay waring tumigil ang pag-ikot ng mundo. Lahat ng members na nandoroon sa dorm ay napahinto sa kaniya kaniyang ginagawa at tumingin kay Dino.

"Yah! Bakit hindi mo sinabi?! Sama ako!" sigaw ni Seokmin na agad na tumayo at nagmadaling pumasok sa kwarto para magbihis.

"A-Ako rin, sasama ako! H-Hindi dahil n-nandun si Miss K ah! K-Kasi, magtatanggal ako ng bebe fats!" palusot naman ni Seungkwan na tumakbo rin at nagbihis. "Seokmin hyung! Pervert!" sigaw pa niya ng makapasok sa kwarto.

"Aba! Hahaha! Ikaw nga pervert eh! Meron ka din nito!" tawa naman ni Seokmin na kasalukuyang nagbibihis.

Parang duming nakakalat sa lamesa ay waring winalis ang tao sa loob ng dorm. PAano ba naman kasi, sa isang iglap, nag sitayuan lahat at nagsigayakan.

Napatulala nalang tuloy si Dino at napaisip kung hihintayin niya ba ang kaniyang mga kuya o didiretso na sa basketball court kung saan ang meeting place nila ni Hyeri.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon