Chapter 22 "Workplace" (part 1)

396 34 2
                                    

Third Person's Pov

T

Alas 2 na ng umaga,ngunit heto si Woozi na nakaharap sa recording room at mag-isang tinatapos ang mga kanta na kaniyang pinag-hirapan para sa next comeback ng seventeen.

"Hay, unti nalang, matatapos na rin ako," pag-bubuntung hininga niya taglay ang pagod na boses. Lumingon siya sa bilog na orasang nakasabit sa dingding. "Alas dos na pala. Ano na kayang nangyari sa party?" kaniyang pag-uusisa, pagkatapos ay dumukdok panandalian at pinahinga ang mata.

Nang makarinig siya ng tunog ng bumukas na pinto. Dali-dali niyang binuksan ang mata at tinignan kung sino o ano ang pumasok sa loob ng tahimik na studio room. Alas dos na ng umaga! Sino pa kaya ang gising sa mga oras na ito bukod sa kaniya?! Multo? Hmmm, kung sakaling multo man ang dumalaw sa kaniya ngayon, mukhang magsasayang lang din ng oras ito. Imposibleng matakot ang maliit, cute, pero astiging katulad ni Woozi.

Nang makita kung sino ang dumating ay biglang kumabog ang kaniyang dibdib. Bakit? Dahil ang kaisa-isang tao na makapagpapakaba sa kaniya ang bumungad sa kaniyang harapan. Walang iba kundi si Hyeri, ang kapatid ni Seungcheol, at ang babaeng kaniyang tinitingala.

Kapuwa silang nagulat sa presensiya ng isa't-isa, at magkasabay na nagtanong ng, "Anong ginagawa mo dito?!"

Madali lang naman ang sagot sa tanong na iyon. nandoroon si Woozi upang tapusin ang mga nacompose na kanta, samantalang hindi nakakapagtaka na pumunta si Hyeri roon dahil doon siya nagtatrabaho.

Panandaliang nagkatinginan ang dalawa. Hanggang sa mapa-smirk nalang si Woozi sabay sumagot ng, "Tinatapos ko yung mga kanta para sa album. Pati narin 'yung binigay mo sa akin na kanta."

"A, ako naman, gusto kong i-check 'yung mga kanta na ginawa mo, pati narin ang binigay ko sayo" simpleng tugon ni Hyeri. "Tamang-tama, tutal andito ka naman na rin, papakinggan ko na."

Umupo si Hyeri sa tabi ni Woozi, na siya namang ikinakaba ng binata. Sino bang hindi kakabahan kung umupo sa tabi mo ang iyong iniidolo? Isa pa, paano mapapakali si Woozi kung nakikita niyang kasalukuyang pinapakinggan ni Miss K, sa pamamagitan ng headphone, ang mga kantang kaniyang pinaghirapang gawin?!

Lumipas ang apat-napung minuto. Patuloy lang sa pakikinig si Hyeri, habang patuloy lang din sa pagtitig sa kaniya ang katabi. "Nagustuhan kaya niya?" mga naglalarong tanong sa isipan ni Woozi.

Nakapoker face lang naman kasi si Hyeri sa buong panahon ng pakikinig. Hindi mabasa ni Woozi ang nilalaman ng isip nito, anupat, halos manginig at manlamig na ang kaniyang mga kamay sa kaba. Hanggang sa...

"O? Umiiyak siya?" isang malaking katunungan sa isipan ni Woozi.

Nanlalaki ang kaniyang mga mata ng makitang pumapatak ang malalaking luha mula sa napakagandang dalaga.

Ang pinapakinggan ni Hyeri na kanta ay may titulong, "Hard Confession" kung saan naglalaman ang kanta na iyon ng sakit na nararamdaman ng isang taong umaaliw sa kaibigang nasasaktan dahil sa katatapos na pakikipaghiwalay. Kaya ba naiyak si Hyeri ay dahil nakakarelate siya sa kanta na iyon? Dahil ba kay Joshua? Anuman ang dahilan, dahan-dahang kinuha ni Woozi ang panyo sa loob ng kaniyang bulsa at may pag-aalinlangang inalok ito sa harap ni Hyeri.

Nang maaninag naman ni Hyeri ang panyo, ay waring nanlaki pa ang mga mata nito na parang nagtataka pa. "Para saan ang panyo? Umiiyak ba ako?" tanong ni Hyeri sa sarili.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nang nagmamadali. Naramdaman niyang ito ay basa, at dahil doon , narealize niyang umiyak nga siya.

"Kunin mo itong panyo, punasan mo," alok ni Woozi, habang sinisikap na iwasang makipag-eye contact kay Hyeri.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon