Third Person’s Pov
Sa kaliwa, ay si Mingyu. Sa kanan naman, ay si Hyeri. Hirap na hirap ang dalawang ito sa pag-aalalay sa walang malay at lasing na lasing na si Seungcheol.
“Hoy, ako ng bahala kay hyung. Bitawan mo na siya. Kaya ko na ‘to,” hinihingal na pagbabawal ni Mingyu kay Hyeri sa pagtulong nito sa pagbubuhat.
“Sigurado ka?” ang pag-aalinlangan ng dalaga.
Bilang tugon ay sinunod ni Hyeri si Mingyu. Ngunit, sa sobrang bigat ni Seungcheol, nang saktong pag-alis ni Hyeri ng alalay, ay muntikan ng lumagapak sa sahig ang dalawang binata. Kaya naman, umalalay uli si Hyeripara hindi ito matuloy.
“Ahem,” napaubo nalang si Mingyu sa hiya dahil hindi nito napanagutan ang pinagmamalaking lakas na taglay.
Sa wakas ay nakarating narin ang tatlo sa harap ng dorm ng Seventeen. Ngunit, napatigil sila sa gitna ng daan dahil hindi makapagdesisyon si Mingyu kung ipapasok niya ba si Seungcheol sa loob nito.
“Bakit tumigil ka sa paglalakad?” pagtataka ni Hyeri.
Ano nga bang pumipigil kay Mingyu?
Lasing kasi si Seungcheol at kanina lamang ay kung anu-ano ang sinabi at pinagtapat nito kay Mingyu. Alam ni Mingyu na napakaselan ng katotohanan na ipinagtapat ni Seungcheol sa kaniya dahil sa sobrang kalasingan. At ayaw niyang, marinig ito ng ibang memebers. Naisip kasi niya na baka madulas na naman si Seungcheol sa pagsasalita.
“Ano kaya kung dalhin ko nalang si hyung sa apartment mo?” alok ni Mingyu ng nakakunot ang noo.
Napahinto si Hyeri at napaisip kung bakit nagpipilit ito na sa apartment niya gustong ipunta ang kaniyang kuya.
“Bakit sa apartment ko?” tanong ni Hyeri.
Agad na nagpaiba-iba ng lingon si Mingyu, halatang nag-iisip ng palusot na isasagot.
“A kasi, ano e, ano...” nanlalaki ang mata ay nakaisip na si Mingyu ng palusot, “Aha!” taas pa nito ng daliri na waring may ideyang pumasok sa kaniyang isip, “Kasi, si hyung kapag nalalasing, binubugbog kaming lahat. Baka pagkagising naming umaga, puro pasa na kami. Oo totoo yun! maniwala ka! Tama, maniwala ka talaga. Katotohanan yun!” patuloy niyang pagsisinungaling.
Kahit hindi naniniwala ay tumango nalang si Hyeri bilang pagpayag.
Gamit ang natitirang lakas ay dinala na nilang dalawa ang lasing na si Seungcheol papunta sa apartment ni Hyeri. Ngunit nang makarating sa hagdanan pataas sa 2nd floor ng apartment building kung saan naroron ang apartment room ng dalaga ay napahinto ang dalawa sa paglalakad at napatingala sa waring hanggang langit na taas nito.
Napansin ni Mingyu na pawis na at pagod na si Hyeri sa kakatulong sa pagbubuhat sa kaniyang kuya. Kaya naman,
“Ako ng bahala kay hyung. Tumabi ka nga!” bahadya niyang itinulak si Hyeri papalayo.
Pagkatapos, huminga muna siya ng malalim bago ipinasan si Seungcheol sa likod. Bahala na si batman sa sakit ng likod na daranasin niya mamaya, ika-nga.
Sumusunod si Hyeri sa pagod na pagod na si Mingyu ng di maalis ang pag-aalala. Alam niya kasi kung gaano kalaman at kabigat ang katawan ng sariling kuya. Kaya naman, medyo naaawa siya sa kalagayan ni Mingyu ngayon.
Agad na binuksan ni Hyeri ang pinto ng makarating sa tapat ng apartment nito. kung tungkol kay Mingyu, parang nadagdagan ito ng lakas nang makita ang sofa sa sala. Tinulangan siya ng lakas na iyon na makatakbo papasok at maihagis sa sofa ang lasing na hyung.
BINABASA MO ANG
"Pretty U!"
Fanfiction(Seventeen's fan fiction story) A kpop Idol named, "Seventeen," is famous korean boy group in Korea with 13 handsome members: Scoups, Jeonghan, Joshua, Jun, Hoshi, Wonwoo, Woozi, Dokyeom, Mingyu, Minghao, Seungkwan, Vernon and Dino. They are self-p...
