Chapter 26 "95 liners"

445 46 44
                                    

Hyeri's Pov

Habang naglalaro ng basketball ang mga members sa covered court ay nandirito ako sa convenience store at kumukuha ng mga snacks and drinks mula sa stand. Hindi ko alam kung ginagawa ko ito dahil kapatid ako ni Seungcheol, fake girlfriend ako ni Jeonghan, producer ako ng Pledis or sadyang napapalapit na ako sa kanila. Why did I let myself dragged into their lives? Na-hatak lang ba talaga ako o simula noong una, talagang nakatali na ang buhay ko sa kanila?

"Knock knock," someone whispered beside me. Tumingin ako sa gilid at nakita si Woozi na nakatayo sa tabi ko.

"Bakit nandito ka? Hindi ka maglalaro ng basketball?" I asked while putting the bottles in the basket.

Bahagya siyang napatingin ng masama bago sumagot ng, "hindi pa ba halata kung bakit hindi ako pwede maglaro ng basketball, ha Hyeri?"

Napatingin ako sa kaniya mula ulo hanggang paa. "Why? May mga maliliit na players sa NBA." Then I secretly laughed.

"Ha ha," sarkastiko niyang pagtawa sabay inagaw ang basket sa akin. "Ako na ang magbabayad." Pagkatapos ay dumiretso siya sa cashier at nagbayad.

Jihoon looks cold. Actually, noong una naming pagkikita, sinungitan niya ako. Pero habang nakikilala ko siya, alam kong malambing at mapagmahal siyang tao. Then ano kaya talaga ang dahilan kung bakit hindi sila magkasundo ni kuya Seungcheol?

Lumabas kami ng convenience store habang buhat buhat niya ang mga pinamili. Masasabi ko na medyo close na kami, ngunit to be honest, na-a-awkward-an parin ako sa kaniya. Siguro kasi, pareho kami ng ugali: tahimik, medyo boring, bihira ngumiti at walang sense of humor.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla nalang sumama sa basketball 'yong mga gunggong?" tanong niya habang naglalakad. Bakit nga ba? Ang alam ko, kami lang ni Dino ang may usapan na maglaro.

"Bakit sila sumama?" I asked.

"Dahil nalaman nila na kasama ka," sagot niya.

"Ano namang kinalaman kung sumama ako o hindi para pumunta sila?"

Tinignan niya ako at huminto sa paglalakad. Kaya naman napahinto rin ako, eyes are looking at him in confusement.

"Genius ka pagdating sa music. Pero may mga bagay sa mundo na sadyang bobo ka," ang kaniyang sagot. Medyo nakaka-offend.

"E ikaw, bakit ka sumama? Dahil ba nandito rin ako?" Hindi naman masama ang tanong ko. Isa pa, nag-desisyon ako na maging kaibigan ang lalaki na ito since magiging magka-trabaho kami as co-producers.

He didn't answer. Umiwas lang siya ng tingin at nag-ubu ubohan. Napansin ko rin ang pamumula ng kaniyang mga pisngi na agad niyang tinakpan gamit ang kanan niyang kamay. "A-Ang dami mong bashers dahil sa music video," pag iiba niya ng usapan saka naglakad muli.

Sinundan ko siya at sumagot. "Hmmm, nakita ko nga. Lahat ng fans ni Jeonghan, mukhang galit sakin."

"Sino bang hindi maiinis kung makita nilang naghalikan kayo sa mv? Kahit ako napikon," bulong niya.

"Napikon ka?" I asked.

"Wala," matipid niyang sagot.

===

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon