Chapter 23 "On the way to Practice Room"

376 37 3
                                    


Jun's Pov

Sinimulan ko ang aking umaga sa pagtingin sa pinagpala kong mukha.

"Napakagwapo mo," pakikipag-usap ko sa harap ng salamin dito sa dorm namin. "Anong pangalan mo gwapong nilalang?" I pointed my finger in my reflection. "Oh my gosh!" I cupped my cheeks. "Ako pala ang nasa salamin. Ako pala ang gwapong ito, hahahahahahah!"

Weird ba? Alam ko naman sa sarili ko na may pag-kaweird ako. Pero hindi ako GGSS or gwapong gwapo sa sarili. Pinganak na akong gwapo at wala na akong magagawa kundi tanggapin ang katotohanan. Oh yeah, hahah!

Aamin kong weird ako at parang may sariling mundo. But I think, it is my way to escape from my stress mind. Malayo ako ngayon sa tunay ko ng pamilya na nasa China, at tanging ang 12 members ng grupo ko ang itinuturing kong kamag-anak dito.

Araw araw, parang wala namang bago sa akin dati. Pero noong nahumaling ako kay Miss K, ang kapatid ni Seungheol hyung, excited akong pumasok araw araw para magtrabaho.

I like her, to the point na mukha na akong stalker. Hindi ko alam, pero tinamaan ako ng matindi sa babae na iyon.

"Lalalala," I hummed while getting my towel, para maghanda sa paliligo. Pero napasimangot ako nang makita si Seungkwan sa sofa na natutulog habang naghihilik.

Kainis! Naalala ko yung sinabi niya sa party! Na ang first kiss daw niya ay si Hyeri! Tumanggi naman si Hyeri na hindi raw totoo yun pero naiinis parin ako.

But, mukhang hindi lang ako ang naiinis sa kaniya.

"Seungkwan, Seungkwan, gising na!" Pumatong si Hoshi sa kaniya at inalog alog ito.

"Hmmmmmm," ungol ni Seungkwan na mukhang ayaw pang gumising.

"Seungkwan." Itinapat ni Hoshi ang bibig niya sa tainga ni Seungkwan at malakas na sumigaw ng: "May sunog!!!"

Agad na nagising si Seungkwan at napasigaw naman ng, "Sunog! Sunog!"

Hoshi ran away with an evil smile. Samantalang, hindi mapakali si Seungkwan na tumayo at natatarantang dinampot ang isang empty drinking glass. Seriously, anong magagawa ng baso na iyon kung sakaling may sunog nga?

Pumasok sa banyo si Seungkwan at napataas ang kilay ko habang hinihintay ang susunod niyang gagawin. Mamaya maya, lumabas ito sa C.r, dala ang drinking glass na pinuno niya ng tubig galing sa banyo. Hay naku *face palm*

"Asan! Asan ang sunog?! Asan!" he shouted, looking here and there.

"Nandito sa harap mo," sagot ko, opening my arms widely. "Sa sobrang hot ko, nasunog ang universe, lalong-lalo na si Mingyu."

Natauhan siya at bumaba ang balikat niya na nangangatog kanina. "Aish! Asar," he hissed as he put the glass of undrinkable water sa lamesa. Pagkatapos, humiga siyang uli sa sofa at dumapang parang baboy na walang planong magtrabaho.

"Ang ingay," reklamo naman ni Jeonghan hyung na kalalabas pa lamang sa kuwarto at namumungay pa ang mga mata.

Kaming tatlo nalang pala ang naiwan dito sa dorm.

Jeonghan hyung grabbed a glass of water above the table. Teka, feeling ko may dapat akong gawin eh.

"Nag-practice na yung iba?" tanong ni Jeonghan hyung bago uminom ng tubig mula sa basong tinititigan ko ngayon.

Ah! Naalala ko na! Galing nga pala sa c.r yung tubig na yun!

"Ahm hyung, sorry,"patiuna ko ng binanggit.

"Bakit?"he asked then drinks again.

"Galing sa cr yung tubig na iniinom mo, Si Seungkwan ang may gawa niyan. Sorry, late ko na nasabi, hehe," ang sabi ko bago tumakbo sa cr at ni-lock ang pinto.

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon