Chapter 27 "Drink water not Alcohol"

426 31 14
                                        


Jeonghan's Pov

Mag aa-la sais na ng gabi. Heto't patapos ng kumain ng dinner ang mga members, samantalang ako, labas masok sa C.r. Actually pang limang beses ko na tong tumae.

"Ahhhh," I mumbled while holding my tummy and walking towards the kitchen. "Grabe naman yung tae ko. Hanggang ngayon, kasing labnaw ng champorado. Kulay green pa."

Imbes na maawa sakin ang members ay sabay-sabay pa silang nagreklamo ng, "Eyyyy! Katatapos lang namin kumain oh!"

"Grabe sila oh. PAti ba naman pag-tae ko, hindi pwede i-share? Wala ba akong karapatang maglabas ng feels?" Pagbibiro ko sabay umupo sa isang bakanteng upuan.

Speaking of bakante, hindi pa pala umuuwi si Jihoon. Malamang, nasa studio pa iyon at tinatapos ang ilang kanta.

Bahagya kong tinignan ang mga members na sabay sabay tinatapos ang pagkain; mula kay Wonwoo, Mingyu, Jun, Minghao, Seungkwan, Vernon, Hoshi, Dino, Dokyeom, Seungcheol at Jisoo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na magkakasama kaming lahat (bukod kay Jihoon) sa iisang lamesa. I know, everyone is affected by the fact na ina-nnounce namin ni Hyeri na susubukan namin mag-date in real. Ngunit sa ngayon, parang walang may lakas ng loob na ibangon ang sensitibong topic na naging dahilan kung bakit nagkasuntukan pa si Jisoo at Scoups.

Kasalanan mo ito Hyeri. Bakit kasi masyado kang kaibig-ibig at nababaliw pati ang mga batang ito sayo? Huh. I shook my head while letting out small laughs.

"Guys," pagkuha ng atensyon ni Jisoo. Lahat kami ay napatingin sa kaniya, lalo pa't mukha siyang seryoso. "Okay lang ba kung iwan niyo kami ni Seungcheol para makapag-usap?"

What?!

Lahat ng members ay nanlaki ang mga mata, halatang kinakabahan sa suhestiyong ibinigay ni Joshua. Ano na namang trip nito?!

"Teka teka. Paano namin kayo iiwan eh baka mamaya niyan, magsuntukan na naman kayo?" Protesta ni Seungkwan na may kasamang pamemeywang.

"Hayaan niyo na sila. Sumunod nalang kayo," ang payo naman ni Mingyu sabay tumayo, iniligpit ang mga pinagkainan at nilagay sa lababo. Bakit parang may alam si Mingyu kung bakit kailangang mag-usap ng dalawa?

"Oh mga bata, narinig niyo yun? MAg-uusap sila kaya pumasok na kayo sa kaniya-kaniya niyong kwarto," ang sabi ko naman.

Kahit napipilitan  at nag-aalala ay tumayo naman sila at pumasok sa iisang kwarto (Vocal  team's room). Kung tungkol sakin, nanatili akong nakaupo sa gitna ng dalawa, kumbaga, handa akong maging referee kung sakaling may mangyari.

"Okay, simulan niyo na. MAkikinig ako," ang sabi ko. Sabay akong tinignan ng dalawa na para bang hindi ako invited sa panahon na ito.

"Jeonghan pumasok ka rin sa kwarto," ang sabay rin nilang reklamo.

So they are really throwing me out?! Hala. Mas lalo akong kinakabahan.

====

Joshua's Pov

Kami nalang dalawa ni Seungcheol ang magkasama sa kusina. Parehas kaming nakaupo at hindi makatingin sa isa't isa.

This is so awkward after our fist fight kamakailan lamang. Kahit nga hanggang ngayon, hindi parin maitatago ang mga putok naming labi.

Paano ko ba sisimulan?

I took a deep breath before smiling at him; umaasa na kahit papaano, mababawasan ang tensyon sa pagitan namin.

"Seungcheol, g-gusto ko nga palang humingi ng tawad sa nangyari noong isang araw. You are our group's leader, pero hindi kita iginalang. Sorry."

Napahinto si Seungcheol at halatang gulat na gulat sa sinabi ko. At ang tanging na-i-reply lang niya ay ang salitang, "H-Huh?"

"Pretty U!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon